Halos kumawala sa dibdib ni Daniella ang puso n'ya sa sobrang kabà na nararamdaman habang daan sila ni Nico at naglalakad. Malapit na sila sa unibersidad at hindi n'ya alam ngunit mas tila lumalakas lamang ang kabog niyon sa tuwing naiisip n'ya na magkikita na sila ulit ng binata. Kinagat n'ya ang pang ibabang labi nang mula sa 'di kalayuan mula sa mga kumpulan ng mga estudyante na naglalabas masok sa entrance at exit ng university. Nakita niyang lumingon sa kan'ya sandali si Nico upang tingnan ang ekspresyon ng mukha n'ya ngunit ngunit lamang s'ya rito. Ngumiti naman din ang binata sa kan'ya but this time ay hinawi ng mga daliri nito ang buhok na bahagyang tumabing sa mukha n'ya. Napaawang ang mga labi n'ya sa ginawang iyon ng binata ngunit inisip na lamang n'ya na baka ganoon talaga ito

