NANG aking masara ang pintuan ng kwarto ni Liliana kung saan ito mahimbing nang natutulog, nakita ko ang isang paparaang kasambahay na may bitbit na tray. Lumingon ako sa gawi nito at huminto naman ang kasambahay sa aking tapat at itinungo ang ulo sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at tinanong kung ano ang dala nito. Agad namang sumagot nang magalang ang kasambahay. “Para po ito kay Sir Alexan, ma’am. Pinapadala niya po sa akin sa opisina niya,” tugon nito sa aking tanong. “Ah, ganoon po ba?” Sagot ko sa kasambahay. Nais ko sanang kausapin si Alexan tungkol sa nangyari kanina sa hapag kainan ngunit nagmadali itong tapusin ang hapunan niya at umakyat sa opisina nito. Naiwan ako at si Liliana sa hapag kaya ako na ang nagpresintang magpakain sa bata. Matapos naman naming maghapunan ay

