NANG mailapat ko na sa munti kong kama ang aking likod ay nakaramdam ako ng kaginhawaan, sa kadahilanang tapos na ang pagpapanggap na ginawa ko sa harap ng maraming tao. Hindi naging madali ang makihalubilo sa mga taga-mediang naroon ngunit umakto ang mga itong hindi pa nakikilala ang asawa ni Alexan kung kaya ay hindi ako nahirapang umarte.
Napalingon ako sa damit na isinabit ko sa labas ng aking closet at pinagmasdan ang suit na iniwan ng lalaki sa akin. Nakalimutan ko na rin itong isauli sa kaniya dahil sa nagmadali itong umalis. Kusang dumapo ang kaliwa kong kamay sa aking labi nang maalala ang nangyari sa sasakyan kanina.
Ngunit kahit anong pilit ko ay napaka-imposibleng isipin na halikan ako ng lalaki. Siguro ay guni-guni ko lamang iyon at inakalang totoo ang nangyari sa napanigipan ko habang natutulog sa kotse ni Alexan.
Ipinikit ko na lang ang mga mata at pinilit na makatulog kahit na maraming bagay ang pumupuno sa aking isip.
HUMIHIKAB akong tumayo mula sa pagkakaupo dahil sa pagod na dala ng aking trabaho. Kakatapos ko lang na magawa ang mga trabahong iniwan ni ma’am May sa aking mesa. Marami pa itong pinagawa ngunit sabi naman ng matanda ay pupwede ko raw na unti-untiin iyon dahil hindi magagawa ni ma’am May ang mga trabaho niya dahil magle-leave muna raw ito.
Kinusot ko ang mga matang kanina pa nakatutok sa computer at napatingin sa wall clock na nakasabit sa dingding. Nang makitang lampas alas dose na pala ng tanghali ay dali-dali akong kumuha ng kaunting pera sa aking bag, dinala ang aking cellphone at nagtungo sa convenience store sa kabilang kanto ng pinagtatrabahuan kong kompanya.
Agad kong binayaran ang pinainit kong ham and cheese sandwich at isang bote ng tubig at naupo sa bakanteng mesa. Magsisimula na sana ako sa aking pagkain nang biglang may sumundot sa akinng likuran. Naikunot ko ang aking noo dahil sa inis dala ng pagkadistorbo ko sa aking panananghalian ngunit nang malingunan ko na ang taong nasa aking likod ay agad na napalitan ng gulat at kaba ang aking mukha. Nakatayo sa aking likod at nakangiti ang isang babaeng naaalala kong isa sa mga nag-interview sa amin ni Alexan kagabi.
Napatuwid ako ng upo at pilit na nagbigay ng ngiti sa babaeng kaharap. “Hello…” nahihiya kong sabi rito.
Halos naningkit naman ang mga mata ng aking kausap dahil sa laki ng ngiti nito dahil nahalata niyang namumukhaan ko ang kaharap. “Hello po, Mrs. Del Valle! Ano pong ginagawa niyo rito at sa isang convenience store kayo kumakain? Hindi niyo po kasama ang asawa ninyo?”
Dahil sa kaba ay lihim kong tinakpan ang aking kaliwang kamay dahil baka makita nitong wala akong suot na singsing, na baka maging dahilan ng pagdududa ng media. “Ah, ginutom kasi ako kaya napadaan muna ako rito - -”
“Ah, oo nga po pala. Malapit lang dito ang publishing company ni Sir Alexan!” tango lang ang naisagot ko sa pagputol ng babae sa akin. “Nadaanan din po namin kayong nakatayo roon sa labas ng prep school na pinapasukan ni Liliana ah. Napaka-hands on niyo naman pong ina at asawa,” ngumiti pa itong muli bago nag-ambang aalis na. “Oh siya sige po, Mrs. Del Valle. Mauuna na po ako. Pwede na po kayong magpatuloy sa kinakain niyo.”
Binalot ako ng matinding kaba dahil sa sinabi ng babaeng kakaalis lang sa aking harap. Nakatunganga lamang ako habang iniisa-isang intindihan ang mga salitang nagmula sa taga-interview na iyon.
Nadaanan din po namin kayo sa labas ng prep school na pinapasukan ni Liliana…
Agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa at hinanap ang numero ni Alexan at tinawagan ito ngunit hindi ito sumasagot kahit na nakadalawang dial na ako sa numero niya. Dahil sa kabang naramdaman ay nawala na ang gana kong kumain at nagmadaling bumalik ng opisina upang puntahan si Alexan. Nang mabalik sa aking cubicle ay kinuha ko muna ang paper bag na pinaglagyan ko ng suit ng lalaki at nagsimulang maglakad papunta sa elevator nang harangin ako ni Gracie sa aking dinaraanan.
“Rache? Saan ka pupunta? Kumain ka na ba?” tanong nito at nangunot ang noo nang may mapansin sa aking mukha. “Teka, namumutla ka ata. Ano’ng nangyari?”
Nais ko mang makipag-usap pa kay Gracie ay mas nanaig ang kagustuhang umakyat na sa palapag ng opisina ni Alexan.
“Okay lang ako, Gracie. Alis muna ako. Pagbalik ko, saka ko na ikukwento sa iyo.” Hindi na ako naghintay ng isasagot ng babae at agad nang sumakay sa elevator at pinindot ang ‘10’ na button. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang mahigpit na hawak ang paper bag, nagdarasal na sana ay bumilis pa ang pag-andar ng elevator.
Buti na lang at nang makarating ako sa ikasampung palapag ay wala ang receptionist sa puwesto nito kaya agad akong nagtungo sa pintuan ng opisina ni Alexan at dali daling kumatok. Hindi ko namalayan na habul-habol ko na pala ang aking hininga dahil sa halu-halong nararamdaman.
Nang pagbuksan ako ng kung sinuman sa loob ay agad akong nagtungo sa mesa ng lalaki upang ipatong ang dalang paper bag dito at pasigaw na sinabi sa kaniya ang aking pakay. “Sorry I didn’t answer your calls, I was in the middle of something - -”
“Alexan, nandito ang asawa mo Terreva!”
Mula sa direksyon ng pintuan ay nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay nito ay unti unting lumapit sa akin. “What did you say?” Bakas sa boses nito ang pagtataka at may halo ring gulat.
“Iyong babae…” pilit kong kinalma ang aking sarili bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Iyong babaeng isa sa mga nag-interview sa atin kagabi, nakita niya ako sa convenience store kanina at naabutang kumakain. Ang sabi niya, nakita niya raw akong nakatayo sa labas ng school ni Liliana…” matindi ang kalabog ng aking dibdib dahil sa kabang nararamdaman. “Sir Alexan… hindi ako pumunta sa skwelahan ng anak ninyo kanina.”
Iginiya ako nitong maupo sa upuang nasa harap ng mesa niya kahit ramdam ko ang pangingingig ng mga kamay nito. Tulad ko ay balot na rin ng kaba, gulat, at kung anu-ano pang emosyon ang mukha ng lalaki. Hindi ito nakatingin sa akin ngunit alam kong malalim na ang iniisip nito.
“That’s impossible…”
“A-ano po’ng ibig niyong sabihin?” Dahan dahan itong nagtungo sa swivel chair nito at nakatulala sa kung saan. Hanggang sa makaupo ang lalaki ay wala akong narinig na kung ano mula rito kaya namayani ang katahimikan sa paligid. Lihim ko ng pinapakalma ang aking sarili sa pangambang baka marinig ni Alexan ang paghuhurumentado ng aking dibdib.
“It’s impossible…” mahinang sabi nito at ipinatong ang baba sa kamay nito habang nakatukod ang siko sa malamig na mesa. Pabaling-baling ang kayumanggi nitong mga mata sa kung saan na marahil ay dala ng malalim na pag-iisip. “We searched Terreva using a fine tooth comb. Pero kahit sa kasuluk-sulukan ng syudad ay hindi namin ito mahagilap.”
“Pero Sir…” balot ng kaba ang aking boses habang nakatingin sa kay Alexan. “Sino ang nakita ng babaeng iyon kanina?”
Halos matangay ako dahil sa lakas ng paghinga nito. Saglit na ipinikit ng lalaki ang kaniyang mata bago ito nagsalita. “Maybe she mistook it for you.”
Gusto ko mang tumutol sa sinabi ng lalaki ay hindi na lamang ako nagsalita. Ayaw ko namang dumagdag sa bigat ng dinadala nito kaya napabuntung hininga na lang ako at napasandal sa inuupuan. Maaaring tama si Alexan sa sinabi nitong baka nagkamali lang ang babae at inakala niyang ako o ang asawa niyang si Giselle ang nakita nito kanina.
Ngunit kung pagbabasehan din sa sinabi nito tungkol sa paghahanap kay Giselle ay mayroon ding posibilidad na magaling talaga itong magtago kaya sa loob ng apat na taon ay hindi nila matunton ang asawa niya.
“Rachelle.”
Napaigtad ako ng marinig ang boses nitong sambit ang aking pangalan. Agad akong lumingon sa lalaki at nakita ang seryoso nitong mukha na may halong pag-aalalang titig ng kulay kayumanggi nitong mga mata. “P-po?”
“Stay with me at my house.”
“Po? Bakit po, Sir?” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng lalaki. Hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niya kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
“The media that’s been following me for years just found about my wife. It was hard to keep the truth that she’s been missing for years from them, but it would be harder to keep you safe from the eyes of the camera if you live separate from me. It would raise suspicion, and eventually if we’re not careful enough – they would find out that you’re not Giselle,” Alexan said without any hesitation on his tone. There isn’t any trace of surprise that his handsome face bears; instead, it’s filled with worry and a little bit of anger.
“Pero, Sir Alexan. Akala ko po ba ay hanggang doon lang sa interview ang pagpapanggap ko bilang asawa niyo?” I can’t find a reason why I should move to his house when the only thing that he asked me to do is to act like his wife in front of the media – which already happened last night.
He may be right about the suspicion that would rise from the media if they would find out that I don’t live with Alexan, but it is such a nerve-racking idea to live with a man who’s technically a stranger to me. The thought of acting as his wife is uncomfortable enough that left me restless for a whole night.
“Magsisilbi na rin itong proteksyon para sa ‘yo, Rachelle. We can’t foresee how the people would react if what you said is really true – that Giselle is here in Terreva.”
Naiintidihan ko naman ang gustong ipahiwatig ni Alexan ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang kahalagahan ng pagtira ko sa bahay niya.
“Bakit kailangan ko pong tumira sa bahay niyo? Pwede naman akong magpatuloy sa pagpapanggap na asawa niyo, kahit hindi ako nakatira kasama kayo,” sinabi ko ang naisip na suhestyon sa kaniya ngunit hindi nagbago ang ekspresyon nito na tila ay pinal na ang desisyon nitong patirahin ako sa bahay niya.
Nagsimulang kumabog muli ang aking dibdib nang mapansing lumalim ang mga titig ng lalaki sa aking gawi. Naiyuko ko ang aking ulo dahil sa hindi ko makayanan ang bigat na dulot ng pagtitig nito.
“It would be a part of the act, Rachelle,” sambit nito kung kaya’t muli kong sinalubong ang mga mata ng aking kaharap. “It would be safer to be in the same roof, so that the media won’t get curious of you.”
I pried my eyes away from Alexan and squeezed them shut as I find more reasons not to agree with him. He seem to find all the right things to say that could make me accept his offer again. But I don’t know if I could bear to live in a house where I don’t even know a single soul.
As I sigh in complete defeat, all I did was nod at his direction as I think of the ways on how to get out of this situation immediately. I didn’t expect that being Alexan’s pretend wife will get us this far that we’d decide to share the same house. The events that happened the day I met him started to get more bizarre than the city I’m currently living in.
“I will help you transfer your things to my house whatever day you prefer. You can call me when you decide to start living with me… as my wife.”
Napangiwi ako sa sinabi ng lalaki. Ayaw ko man tanggapin ay dapat ko itong gawin dahil napakalaki ng tinulong nito sa akin. Hindi lang ako nito sinalba sa muntikan kong pagkakalubog sa utang dahil sa pagpapagamot kay Ma, binayaran pa nito ang inuupahang apartment ko.
“Okay,” mahina kong sagot habang pinipilit na tanggapin ang panibagong hamon na kailangan kong suungin – ang magpanggap na asawa ni Alexan sa harap ng mas maraming tao, at lalung lalo na sa anak nito.
“TEKA, teka, teka. Ang ibig mong sabihin, magkamukha kayo ng asawa ng Big Boss?”
Sa dami ng kinuwento ko kay Gracie ay ito lang ang naging reaksyon ng babae. Napilitan na rin kasi akong aminin sa kaniya ang lahat ng tungkol sa naging usapan namin ni Alexan dahil sa naabutan ako nito kanina. Alam ko rin namang mapagkakatiwalaan ko ang babae kung kaya ay ay kampante ako na hindi nito ipagsasabi ang mga ibinahagi ko sa kaniya.
“Oo, magkamukha kami. Pero hindi iyon ang importante ngayon, Gracie,” sabi ko sa babaeng kaharap gamit ang mahinang boses. Takot ko lang na may makarinig pa sa amin mula sa ka-opisina namin. “May nakakita raw sa akin sa labas ng school ng anak na babae ni Alexan, eh hindi naman ako kailanman na nakapunta roon. Kaya mapipilitan akong tumira kasama siya sa bahay nila ng asawa niya.”
Nakahalukipkip na rin si Gracie at halatang malalim ang iniisip. “Kung hindi ikaw ‘yung nakita nung babae sa labas ng school ng anak ng Big Boss, eh sino? Iyong asawa kaya ng Big Boss ‘yun? Eh diba nga sabi mo matagal nang hindi nagpapakita ang asawa niya?”
“Hindi ko alam, Gracie. Hindi ko talaga alam,” nahihirapan na akong intindihin ang mga palaisipan sa aking utak. Buti na lang at narito si Gracie at handang makinig sa akin kung kaya ay hindi na masyadong mabigat sa pakiramdam na kinikimkim ko lamang ang lahat ng mga problemang kinakaharap ko ngayon.
Saglit itong umayos ng upo at inabot ang tasa ng kape niyang nakalagay sa desk ko. Sumimsim muna siya ng kaunti bago ibahagi sa akin ang kaniyang mga iniisip, “kailan mo naman balak na lumipat sa bahay ng Big Boss? Alam mo balita ko malaki raw ang bahay nun.”
Lalo pang sumakit ang aking ulo dahil sa sinabi ng babae. Napatanga na lang ako habang iniisip kung paano malalampasan itong pagpapanggap na gagawin ko. Ibang level na kasi ito, at hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
“Gracie, hindi ko na alam ang gagawin ko,” halos paiyak kong sambit sa babae. Agad naman ako nitong dinaluhan at marahang hinahagod ang aking likod.
“Tahan na, baby girl. May up side naman ang pagtira mo sa bahay ng Big Boss ah?” nagtataka ko itong nilingon at nakita ang mapaglarong ekspresyon nito sa mukha. “Ang gwapo kaya ni Big Boss! Aba magvo-volunteer as tribute talaga ako kung kamukha ko lang ‘yang Giselle na iyan eh,” biro nito na alam kong ginagawa ito ng babae upang gumaan ang aking pakiramdam.
“Naku kung gigising ako araw-araw at ang guwapong mukha ni Big Boss ang tatambad sa akin, ta’s sabayan pa ng abs niya, naku baka mangisay ako sa kilig.”
Mahina na rin akong natawa dahil sa sinabi ng babae. Halatang may crush si Gracie sa amo namin, kahit alam kong kasal na ito. Totoo rin naman ang sinabi niya, guwapo si Alexan, at kung pagbabasehan ang tindig at hubog ng katawan nito ay masasabing matipuno at makisig ang lalaki. Ngunit hindi ko alam kung kakayanin kong tumira kasama nito, at hindi ko alam kung hanggang kailan iyon mangyayari.
“Sa tingin mo, maglalaway kaya ako ‘pag nakita ko na ang abs niya?” sinabayan ko ang biro niya na siyang ikinatawa naming dalawa.
~