10. Role to Play

2687 Words
“MISSING…” Hindi ko na namalayan ang salitang lumabas mula sa aking bibig dahil balot pa rin ako ng gulat mula sa rebelasyon ng lalaki. Nakakonekta pa rin ang tawag at nakatapat pa rin ang telepono sa aking tainga, ngunit wala na akong ibang naririnig kung hindi ang pabalik-balik na palaisipang namuo sa aking utak. Kaya pala ganoon na lang galit ng Big Boss noong nakita niya ako – inakala niyang ako ang asawa niya, at pinagtaguan ko siya nang matagal na panahon. “So, what’s your answer?” I almost jumped to my seat when I heard the booming voice from the other line. There I just realized that I’ve been staring towards nothingness for too long now and haven’t said anything to him as answer to the offer he laid out. I swallowed the lump forming in my throat before I uttered a quiet yes to him. Squeezing my eyes shut, I painfully wait for the Big Boss to say anything while forming my free hand into a fist to stop it from shaking. Nakarinig ako ng mahinang kaluskos mula sa kabilang linya bago ito nagsalita. “You can calm your nerves for now. I’ve delayed the interview for another week. I’ll send everything that you will need to know about… my wife, and everything you’ll need to prepare for the interview to your apartment.  "And don’t worry about your mother, I’ll constantly check on her at the facility. Also, your paycheck is coming in later this afternoon. If you ever need anything, you can leave me a message on this number,” I heard him say something to someone yet it was barely audible, before the line went dead. Ilang minuto ulit akong nakatunganga lamang sa kawalan habang pinipilit na intindihin ang sitwasyong susuungin matapos kong um-oo sa kasunduan namin ng Big Boss. Hindi ko alam kung ano ang mga dapat na gawin kung sakaling makausap na ako ng taong magi-interview sa amin at hindi ko masasagot ng tama ang mga katanungan nito. Paano na lamang kung mahulaan ng mga taong ito na hindi ako ang asawa ng lalaki? Shrugging off the worry from my body, I then reached for the papers and started working with my trembling fingers flipping over the pages and half of my mind going somewhere else. MADALING lumipas ang isang linggo nang hindi ko man lang ito namamalayan. Nakasanayan ko na ang paminsan minsang pagbisita kay Ma sa caring center, at ang routine kong house-work-house-repeat. Tulad ng sabi nito ay natanggap ko nga ang aking buwanang sweldo noong araw na natanggap ko ang tawag ng Big Boss at sumang-ayon sa usapan namin.  Nang maka-uwi ako noon ay agad akong nagtungo sa tinutuluyang kwarto ng landlady namin upang makapagbayad ng rentang ipinangako ko sa kaniya. Ngunit laking pagtataka ko nang tinanggihan na ng matanda ang aking bayad, lalo pa at sinabi nitong bayad na raw ang upa ko roon hanggang sa susunod na taon. Nagtatakang nginitian ko na lamang si Nay Nelly at nagtungo na sa inookupahang apartment habang iniisip kung tama ba ang hinalang nasa aking isipan – na isa na naman ito sa mga tulong na natanggap ko mula sa estrangherong lalaki. Kinabukasan din ng araw na iyon ay nagsimulang magdatingan ang mga gamit na sabi ng Big Boss ay magagamit ko upang makapaghanda para sa interview. Una kong napansin sa labas ng apartment ko ay isang kahon na noong binuksan ko na nang makapasok sa loob ng kwarto ay mga kasuotan. Dahan dahan kong inangat mula sa kahon ang isang itim na bodycon dress na napapalibutan ng maliliit na mga disenyo ng bulaklak.  May kinang ding nagmumula rito dahil sa mga sequins na nakapaligid. Sa loob naman ng kahon ay mayroon isang pares ng itim na heels na isang dangkal ng kamay ang haba ng taking at mayroon ding mga palamuti na gaya ng nasa damit. Sinamahan na rin ito ng isang pares ng earrings at isang kwintas na may nakasabit na maliit na anghel bilang pendant. Kahit sobra sobra na ang mga bagay na iyon ay hindi ako makapaniwala na naalala pa ng lalaki ang pagkahilig ko sa mga angel figures. Dahil doon ay lihim akong napangiti habang iniayos ang mga gamit na ibinigay nito sa pinaglalagyan ko ng mga damit. On the next days, I’ve kept on receiving manila envelopes on my doorstep whenever I got home from work or from visiting Ma. Those envelopes contained some backgrounds about the Big Boss’s wife that I needed to study in order to know how to work around the interviewers once the event would take place. I heard the loud chime coming from my phone which brought me back to the present. I went to grab it from the dining table while brushing my jet black hair. It was a text message from the Big Boss – Sir Alexan – saying that he would pick me up at the apartment by five. I checked the time and saw that I’ve got a few hours more to prepare and review everything that I should and shouldn’t say in front of the interviewers. I chose to be absent from work today to be able to focus on this special task for the Big Boss. Since this is the only thing that he asked of me, it would be a problem to put in an extra effort, right? Or would this be the only thing that I would do for the Big Boss? Pinilit ko nalang ulit na maisaulo ang mga dapat kong isagot sa hanay ng mga tanong na kasama ng mga pinadala sa akin ng lalaki. Kampante na rin ako na hindi magtatanong ang mga taong iyon mamaya na wala rito sa papel dahil sabi ng Big Boss ay siya raw mismo ang pumili ng mga itatanong sa amin ng magi-interview. When the clock stroke three in the afternoon, I stopped filling my brain with more information and started to work on my outfit. I took a quick shower to remove the smell of sweat on my body and wrapped my self in a towel after. When I approached my closet where I hung the black dress that the Big Boss gave me, I took a quick appreciation on how soft it was beneath my hands. The linen took a gentle ride along my palm as I swept it from the straps to its hem. I didn’t think about worrying if it would fit since I might share the same body type with his wife, judging from the photo that he gave me weeks ago. Wanting to remove the fact that I have I twin that I didn’t know about in my mind, I took a glorious amount of time in covering my body with the black dress. And my assumption was right – I really did share the same body type with that Giselle, since it would be intricate for the Big Boss to buy me a dress if he wouldn’t base it to his wife’s body. The dress hugged me in all the right places, and I loved how the cloth felt next to my skin. I looked over to the mirror attached to the closet door and saw how it looked as I wore it. The dress stopped almost at my knees and my arms were all bare because of the thin straps. My heart took a quick leap at I felt that I looked a bit sexy because of the dress. After I adorned the dress by doing a quick turn, I went on to fix the rest of my look – putting on the earrings and clasping the necklace lock on my nape. The pendant stopped about an inch above the cleavage and I smile as I saw the pendant glint beautifully against the light. Agad na sinunod ko ang pagpapatuyo sa aking buhok habang naglalagay ng kaunting kolorete sa mukha. Binagay ko ito sa tema ng aking suot at nang masiyahan na sa resulta ay tinapos na ito sa paglapat ng pulang lipstick sa aking labi. Dahil hindi ko alam kung paano ko aayusin ang aking buhok at napansin na malapit nang mag alas singko ng hapon ay dali-dali ko na lamang itong sinuklay at hinayaang nakalugay ang bahagyang pagkakakulot nito na abot hanggang sa kalahati ng aking likod.  Pumili na rin ako ng maliit na sling bag na itim at inilagay ang cellphone, mga kagamitan kong maaaring gamitin upang mag-retouch, at nag-spray ng kaunting perfume sa aking katawan bago lumabas ng munti kong bedroom. Nagsimula nang umakyat ang kaba sa aking dibdib habang isinusuot ko ang sapatos at ikabit ang strap nito. Inuulit ko sa aking isipan ang mga dapat kong sabihin mamaya at mahinang nagdasal n asana ay hindi ako magkamali sa mga sasabihin ko sa harap ng maraming tao. Kailangan kong ingatan ang reputasyon ng asawa ng Big Boss dahil maimpluwensya ang lalaki. Hindi rin naman kasi ito kukulitin ng mga nagi-interview kung hindi ito makapangyarihang tao. Agad ko nang kinuha ang susi at lumabas na ng aking apartment. Siniguro ko munang naka-lock na ang pinto bago ako naglakad pababa sa parking lot. Nagdahan dahan pa ako sa paglakad pababa ng hagdanan, kasi wala namang elevator dito, sa takot na matisod at mahulog. Saktong pagkarating ko sa labas ng gusali ang paghinto ng itim na sasakyan ilang metro ang layo mula sa akin. Napahinto ako sa paglakad at nakita ang Big Boss na papalabas mula sa sasakyan. He wore a white dress shirt with a navy blue pinstripe suit draped over it. His slacks matched the patterns of his suit and stopped over a pair of black shoes. His hair was a bit shorter than before that is cleanly swept to the side. I blushed a little as I realized what I did – staring sinfully long at a married man, who’s married to a woman that’s practically my twin. I looked away from him and turn my head to the quiet street when I felt those brown eyes almost burning a hole in my face. Saka ko pa lamang ibinalik ang paningin sa lalaki nang tuluyan na itong huminto sa aking harapan. Kalmado lamang ang ekspresyon nito, halatang hindi kinakabahan sa dadaluhang interview at mukhang sanay nang makisalamuha sa mga taong hindi nito kakilala. Tila ay mas naging puro ang kulay ng mga mata nito at ang mga titig nito ay hindi ko kinayang tapatan kaya napaiwas ako ng tingin sa lalaki. Narinig ko itong tumikhim bago nagsalita. “Are you ready?” “Opo, Sir- -” “Call me Alexan,” he cuts me off before I could finish my answer. “You can’t keep me calling Sir, the people would notice it.” “S-sorry, S-- Alexan…” napatungo ako dahil sa hiyang naramdaman. Tama rin naman kasi ang lalaki, hindi dapat ako magkamali sa pagtawag sa kaniya dahil mabubulilyaso ang lahat kung malalaman ng madla na nagpapanggap lamang akong asawa nito. His name felt foreign coming from my lips, since I never addressed him by his own name. Even the people from the office would only call him Big Boss. Nakita ko ang kamay na inilahad nito sa aking harap. “Let’s go. We might be late for the interview.” Nahihiyang tinanggap ko ang kamay ng lalaki at sinabayan ito papunta sa kotse niya. Pinagbuksan ako ng pintuan ng lalaki kaya nagpasalamat ako rito bago pumasok ng sasakyan. Agad din naman itong naglakad papunta sa driver’s seat at sinimulang magmaneho. Hindi ko man alam kung saan gaganapin ang interview na iyon ay hindi ana ako nagtanong ng detalye sa lalaki tungkol doon. Minabuti ko na lang na i-review sa aking utak ang mga pinag-aralan ko sa bahay kani-kanina lamang. Naging tahimik ang buong dalawampung minuto ng biyahe patungo sa isang restaurant sa puso ng Terreva. Walang imik akong tinulungang makalabas ni Alexan sa sasakyan at iniakay papasok ng restaurant. Naiilang man ako sa kamay ng lalaki na nakalapat sa aking likod ay tiniis ko na lamang ito dahil sa papel na ginagampanan ko sa sandaling ito. Palakas ng palakas ang kalabog ng aking dibdib sa bawat hakbang papalapit sa gusaling hula ko’y paggaganapan ng interviewing ito. I almost got blind at the flash of cameras in front of us when we finally entered the premises. I hung my head low towards Alexan’s arm when I started to get scared. I didn’t expect this event to be this big, that it needed a dozen of photographers that would capture almost every step we made even until we arrived to a table at the corner of the room. He pulled the chair for me and I landed my ass to it as fast as I could, and blew an unsteady breath. I held my hand close to my chest, silently willing the device inside of it to stop beating furiously. “Sorry, Rachelle. I didn’t know something like that would happen,” narinig kong mahinang sambit ng lalaki bago inokupa ang upuan sa aking tabi. “Hindi ako sanay sa ganito, Alexan. Akala ko ba ay simpleng interview lang ang mangyayari tulad ng ni-note mo sa mga binigay mo?” Tanong ko sa lalaki habang pinapakalma ang sarili. Humarap ito sa akin at ibinulong ang kaniyang sagot. “Oo, simpleng interview lang. But I didn’t know they would pull a stunt like that.” Naging mapungay ang mga mata nito at tila ay hinihiling sa akin na patawarin ko ang lalaki. “Don’t worry, Rachelle. All of these will be over soon.” Napakalma naman ako nang kaunti dahil sa sinabi ng lalaki. Ilang sandali rin naman ay mayroon nang isang babae ang umokupa sa upuan sa aming harap at nagpakilala bilang isang miyembro ng editor sa isang magasin. Napabuntung hininga ako bago sinimulan ang pagkukunwari sa harapan ng babae. Lihim akong nag-celebrate sa aking sarili dahil maayos kong nasagutan ang lahat ng mga itinanong ng dalawang nagdaang interviewer sa aming mesa. Saka ko lang din napagtanto na isa palang pagtitipon ng mga maimpuwensyang tao ang dinaluhan namin kung kaya’t maraming mga taga-media ang nagkalat sa paligid. Sa pag-aakalang tapos na ang pagi-interview sa amin ni Alexan ay tinangka kong tumayo upang pumunta sa CR.  Ngunit hindi ko pa man ito nagagawa ay mayroong isang lalaking umupo sa harap namin ng lalaki at naglahad ng kamay kay Alexan. Nagpakilala rin itong taga-media kaya napaayos na lamang ako ulit ng upo dahil kailangan ko pang umakto ng isang ulit pa. Pare-pareho lang rin naman ang tanong niya sa tanong ng mga nagdaang taong umokupa ng inuupuan nito kanina kaya hindi ako namroblema sa pagsagot dito. Inayos nito ang suot na salamin at binasa ang kung anong nasa notebook na hawak nito saka hinarap kaming muli. “Matanong ko lang, Sir Alexan. Saan ba kayo nagkakilala ni Mrs. Del Valle?” Nagtaka ako dahil hindi ito katulad ng mga tinanong ng mga interviewer kanina. Napalingon ako kay Alex at inakalang makakakita ng kaba sa mukha nito ngunit nanatiling kalmado ang ekspresyon niya. Limang segundo yata ang lumipas nang bigla itong ngumiti at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa.  Bahagyang nanlaki ang aking mata ngunit agad naman akong nakahuma. Nagulat lang din naman ako sa biglaang paghawak ng lalaki sa aking kamay. Pinanatili ko na rin ang ngiti sa aking mukha at lumingon muli sa nagi-interview. Tumikhim muna si Alexan bago nagsalita, “well, it all started when I saw her looking at something in her hand. She was inside an antique shop, captivated by an angel figurine that she saw from the rack full of old things.  I suddenly felt the urge to approach her so I did, and then the rest was history.” Lumingon ito sa akin at nilakihan ang ngiti sa kaniyang labi. “I guess it was love at first sight.” I couldn’t hear anything from my surroundings other than the words he just said. I just held my stare at him because of shock. I never mentioned anything to him about how I saw that angel figurine and how I started to collect them. I didn’t even tell him about an antique shop that I visited a long time ago.  I just remained silent as I tried to reach some memories in my brain if he really did introduce himself to me five years ago at that old dusty store, but I can’t remember anything about meeting him there.    ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD