CHAPTER 8. #SirNathan Ilang araw ang nakalipas at natahimik na rin ako ng hindi na magparamdam si Harvey. Ilang araw din akong nagpaalam sa Prof namin na hindi ako mkkapasok at dahil na rin kay Harvey. Umuwi muna ako sa resort namin at doon nag-unwind saglit para makalimutan ang mga problema. Ngayon ay nakakapanibago, parag ito ang unang araw ko sa school kahit hindi naman. "Kamusta Irene? Ilang araw ka ring nawala ah," tanong ng kaklase ko sa akin. "Ah, busy sa resort ni Daddy dahil ako muna nag-manage saglit habang wala sila," paliwanag ko sa kanya. "Hindi ba makakaapekto sa pag-aaral mo iyan?" "Hindi naman," nginitian ko lang sila at umupo na lang ako sa pwesto ko. Wala si Maddie, wala rin si Cherry at Glenn. Si Harvey hindi pa nakakarating nakakapanibago talaga. Parang b

