JUSTINE POV Lumingon ako kay Andrew na napangisi! Ito lang ang ginawa ko pero talagang pinarating niya pa talaga sa dean? Napakababaw nito kung tutuusin! Ngunit natanggal na rin yata ako ng tinik sa aking lalamunan dahil mukhang hindi niya binunyag ang totoo kong pagkatao sa dean. But galit pa rin ako sa kaniya. And it will do no good if mag mamatigas ako o mag mamataas ako. Dean ang kaharap ko at kapag binastos ko si Andrew o siya ngayon, puwedeng puwede nila akong patalsikin. "Pasensya na po kayo Dean. Pinapangako ko po na hindi na ito mauulit pa," pagpapaumanhin ko pa. "Siguro ay talagang nagmamadali lang ako kanina kaya nakaligtaan ko po ito. Ngunit next time po ay mag bibigay galang na ako sa students officers ng school natin." "Mr. Justine, matanong ko nga lang sayo, bakit para

