JUSTINE POV "Hahahaha!" patuloy niyang paghalakhak. Ang gago talaga ng lalaing ito, inis na inis na talaga ako sa kaniya. "Anong nakakatawa ha? Nababaliw ka na bang lalaki ka ha? Kahit na sabihin nating mga matatalik mo silang mga kaibigan at hindi sila nag aaral sa school na pinapasukan natin, it still a no for me. Ayaw ko at ayaw ko kaya wala ka nang magagawa pa! Ang hirap bang intindihin ng mga salitang nanggaling sa bibig ko ha? Haler, tagalog parehas ang salita natin tapos eng eng ka pa. Akala ko ba ay isa kang matalinong tao ha?" "I don't care about your opinion! Sinasabi ko sayo, isusumbong na lang kita sa dean ng school para ma expelled ka kaagad!" pananakot niyang muli sa akin. "Paulit ulit ba ha? Wala ka na bang ibang maisip kung hindi ang takutin ako sa kakaganyan mo? Na

