JUSTINE POV Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang mama ko. Nasa isang hindi kami pamilyar na lugar kung saan maraming damo sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin ngayon at bilog ang buwan na nag bibigay ng liwanag sa kalangitan. Nakangiti siya sa akin at parang maiiyak na ako nang makita ko siya. Sobrang tagal ko nang nangulila sa nanay ko at ngayong nandito na siya ay wala na akong ibang mahihiling pa kung di ang muli siyang makasama. "Ma?!" sambit ko, tumakbo ako papalapit sa kaniya subali nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo. Ang layo ng nilakad naming dalawa hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa loob na kami ng aming campus. Ang campus kung saan siya nasawi. And now it does not make sense to me kasi buhay na buhay siya sa aking paningin. "Ma? Bakit niyo po

