JUSTINE POV "Naks! Ikaw ha? Baka nababakla na sayo yang si sir!" "Hoy bibig mo nga! Masyadong pasmado eh nakaka loko ka! Sa tingin mo ba ay bakla ako ha? Oo, hindi natin parehas na maikakailang pogi si sir kaso lang wala akong balak na pumatol sa kapwa ko lalaki! Gusto mong sapakin pa kita jan!" "Sorry na kaagad! Nagpapatawa lang naman ako. Ang dali mong mapikon, at tsaka wag ka sanang magalit ha? Kasi kahit na naka army cut ay ay para kang bababaeng nagpa iksi ng buhok sa akin eh!" "Gago ka ewan ko sayo!" saad ko, baka mahuli pa niya ako nito, delikado at mahirap na. I can't afford kung bukod kay Andrew ay mayroon pang makaka alam ng sitwasyon ko. Mahirap na, kahit na kaklase ko pa si James, hindi ko masasabi kung mapag kakatiwalaan ko siya! "Siya nga pala, baka gusto mong mag g

