Chapter 85 Hunter's POV Paglabas ko ng palasyo ay naramdaman ko pa ang pagsunod ng tingin sa akin nina Auntie Fire. Wala naman na akong oras pa para balikan sila para magpaalam kaya dumiretso na lang ako. Wala naman na rin kasi akong sasabihin pa sa kanila dahil malakas ang kutob ko na pipigilan nila ako. Sina Master Racul na lang siguro ang magsasabi sa kanila ng plano ko. Nang sa gayon ay wala na silang magagawa pa gustuhin man nila na pigilan ako dahil hindi na nila alam kung saan ba ako hahagilapin. Kampante ako na makakalabas ako ng Dark Forest dahil wala namang pasikut-sikot doon at diretso lang din naman ang tinakbo namin nang pumunta kami rito kanina. Kaya hindi ko na rin kinailangan pa na umabala ng ibang bampira para lang magpahatid sa mundo ng mga mortal. Hindi rin naman ak

