Chapter 73 Hunter's POV Bandang hapon nang magsimula kami ni mama na mag-asikaso dahil parehas naming ayaw na ma-late sa dinner. Ayokong paghintayin si Britney at ang pamilya niya. Sana nga lang talaga ay walang mangyari na hindi namin lahat magugustuhan. Sana ay magkasundo ang lahat. At higit sa lahat ay sana kahit papaano ay bawasan ni Britney ang kakulitan niya para hindi gaano mairita si mama dahil ang kinakatakot ko ay iyon pa ang maging dahilan ng pag-uwi ni mama. Ngunit siguro naman ay hindi niya iyon gagawin sa akin. Mama knows she is my friend kaya alam ko na hindi niya ako ipapahiya sa harap ng kaibigan ko at sa pamilya nito. Hindi naman niya siguro ako iiwan at magtitiis siya kahit papaano kahit gustuhin man niya na umuwi na. Ngunit sigurado ako na hindi na mauulit na sumama

