Chapter 63 Hunter's POV Ang plano ko lang naman ay kumain sa labas kasama siya dahil gusto ko na kahit papaano ay may bonding kami. Hindi naman ako pwede na basta na lang magtanong sa kanya ng kung anu-ano dahil kailan lang din naman kami nagsimula na magkausap. Masyadong personal ang mga bagay na gusto kong malaman sa kanya kaya kung totoo nga na nagtatago ang kanyang pamilya ay sigurado ako na hindi ganoon kadali sa kanya ang pag-usapan ang mga personal na bagay. Kailangan kong makuha ang loob ni Britney. Alam ko naman na hindi niya iyon aaminin sa akin ngunit gusto ko lang makakuha ng kahit na kaunting idea tungkol sa buhay na mayroon sila. Baka sakali na kung mabibigyan kami ng kaunting pagkakataon na magkakwentuhan ay magkaroon ako ng kumpirmasyon tungkol sa mga naging hula ko sa

