Chapter 29 Heaven's POV Paglabas ko ng banyo ay hindi pa rin pala nakabihis si Hell. Nakaupo pa rin lang siya sa kama at may hawak na remote. Nanonood siya ng balita sa TV at napansin ko na ang kasalukuyan na binabalita ay ang tungkol sa Alpha. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkaasiwa dahil masyado nilang pinagtutuunan ng pansin ang event mamayang gabi. Well I guess this is just a proof kung gaano ka-big deal ang buhay ng Alpha sa mundong ito. He is now the richest man alive at tagapagmana lang naman ang ipapakilala niya. Nang matapos ang balita tungkol sa event ay agad rin naman na pinatay ni Hell ang TV at tumayo na. Hinarap niya ako at tinawanan. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay nang-iinis na naman siya. At alam ko na dahil ito sa napanood niya. "Could not wait any lo

