Chapter 44 Heaven's POV Ilang araw pa nga ang lumipas bago ko naramdaman at nasiguro sa aking sarili na tuluyan na nga akong nakabawi ng lakas at alam ko na mas kaya ko nang magampanan ang pagiging ina sa anak ko na si Hunter. Tulad nga ng inaasahan ko ay hindi na muli pang nagpakita sina Jom at Billie at wala naman akong naging sama ng loob sa naging desisyon nilang iyon. Sigurado rin naman kasi ako na hindi na rin papasok sa isip nila na maaaring dito kami nag-stay ni Hunter. Sa unang pagkakataon ay nakaisip ako ng paraan kung paano ako kikita ng pera na magagamit namin ng anak ko. At iyon ay ang pumitas ng mga prutas mula sa nagtataasan na mga punong nakapaligid rito. At lahat ng mapipitas ko ay ibebenta ko sa mga nagtitinda sa palengke. Panatag naman ang loob ko na iiwan ko pansama

