Chapter 68 Hunter's POV Sinubukan ko na hindi magpahalata kay Britney tungkol sa nahalata ko na pagkataranta niya nang magtanong ako tungkol sa edad ni Dagger at sa taon ng pagsasama ng mga magulang nila. Ayokong ulitin pa ang tanong na iyon dahil magmumukha na akong tsismoso at sobra ang kagustuhan na malaman iyon. Alam ko rin naman na nag-iisip na siya ng pwede niyang idahilan. Alam ko na hindi niya sasabihin kung ano man ang totoo kung bakit ganoon ang lahat. At kapag sumagot na lang siya ay saka na lamang ako magbabato ng follow up questions sa kanya para hindi mahalata ang interes ko sa detalye na iyon at magmukha lang akong curious at confused. "Ano kasi, Hunter..." she stutters ngunit hindi ko iyon pinansin. I just let her finish her words--her alibi. At kahit na ano man ang sab

