Chapter 42 Heaven's POV They will never get us without giving a fight. Hindi ko na rin napigilan pa ang paglabas ng mga pangil ko. "Ahhh!" I shouted when they are about to attack Hell. Sabay naman na tumilapon ang bampira at lobo na dapat ay mananakit sa kanya. At nang lingunin nila ang kinaroroonan ko ay nagulat pa sila nang makita ako. Bakit tila gulat na gulat sila ngayon na makita ako samantalang kanina lang ay pilit nila akong hinahanap kay Hell. Ngunit nang maka-recover sila sa pagkakabigla ay agad naman sila na naghanda sa pag-atake sa akin. Agad na bumangon si Hell at mabilis na tumakbo papunta sa akin na bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Bago pa man tuluyang makabangon ang dalawa na pilit umaatake sa amin ay hinawakan na ako ni Hell sa kamay at hinila para tumakbo. M

