Aliyah sat alone in her room with a bunch of thick books surrounding her in her bed. She just finished eating dinner and taking a shower after a long day. She can finally breath again, being alone and free to do whatever on her own. Ngayon lang siya nakaranas na humiga sa oras na ito. It's only nine in the evening and she's already ready to end the night and rest. The only thing that's stopping her... well, the things that are stopping her are all these books.
Sinubukan niya, kanina talaga sinubukan niya na magbasa. Binuklat na niya ang tatlong libro, sinubukan na rin niyang basahin ang tig dadalawang page nito para matantsya niya pa kung ano ang libro na magugustuhan niya. Kaya lang wala, kahit isa sa mga 'yon ang pumukaw ng atensyon niya. Hindi niya alam kung papaano niya sisimulan na lokohin ang sarili niya para lang matapos niyang basahin ang kahit na isang kabanata lang dito sa mga aklat na nasa higaan niya.
Kanina nga ay mas pinili pa niyang paglaruan at i-model ang mga damit na nasa walk- in closet niya. 'Yong sandamakmak palang kasi na mga damit pangtulog, hindi na siya halos makahinga nang maayos. Kung tutuusin nga, pasado ang lahat ng mga ito bilang mga sosyal na damit na puwede niyang isuot sa labas.
Kagaya nalang nitong suot niya na isang black, silk dress. Kulang nalang dito ay isang fur coat o 'di kaya naman ay blazer at hindi na siya titignan ng mga tao sa labas na para bang nakalimutan niyang mag bihis o magpalit ng damit pagkagising niya. Hindi lang 'yon, ang ilan pa sa mga nigh gowns na mayroon siya, halos kahawig lang ng mga ipinapasuot sa kan'ya sa tuwing may fashion show na invited siya o 'di kaya naman ay kapag may performance siya. Lahat ng piliin niyang isukat ay puro mga damit na magaganda sa hubog ng katawan niya at kayang- kaya niyang dalhin kahit na ano pa ang gawin niya. Maybe it's the magic of how beautiful and perfect Aliyah Grace's visual is. She's literally rolling in her bed right now with no make up on and yet, nothing changed.
"The Kingdom in the Eyes of King Leonardo- huh? Kailan pa 'to? Pang ilan na hari ba si King Leonardo? Fourth? Or fifth?" she hit her own head with the thick pages and immediately groaned in pain. "Why did you do that Aliyah? Are you dumb? Kita mong ang kapal- kapal tapos ang una mo pang gagawin ay ihampas sa ulo mo? Kulang ka na nga sa brain cells tapos gan' yan pa ang balak mong gawin?"
Nakasimangot siyang humablot ng isa pang libro, "Queen of Aztariya... ang bilis naman. Prinsesa palang nga ako- ay, hindi pa nga ako Prinsesa! Bakit kailangan ito na ang babasahin ko? Nakaka lula naman itong mga 'to. Hindi ko alam kung ano ang sisimulan ko."
She pulled out her own hair with both of her hands, "Ano ba namang klase ng utak ang mayroon ako? Alam ko sa sarili ko na marami akong kailangan na gawin, marami akong kailangan na ganito, pag aralan, basahin, tapos ang lakas pa ng loob ko na huwag magsimula sa kahit na ano. Wala man lang akong ginagawa ngayon. Why the hell am I like this? I shouldn't be trusted with my own time, I fail on designating what task I should do at a certain point to myself. Ending, mauuwi na naman ako sa pag pa-panic at walang katapusan na cramming. I hate myself so much!"
Pabalik- balik siya sa paglalakad sa kan'yang silid matapos ang ilang minuto na hindi niya pa rin makumbinsi ang sarili niya na kailangan na niyang mag basa. Kaya lang nahinto ang sarili niya sa pag- iisip nang marinig niya ang malakas na kalabog mula sa kabilang kuwarto.
Walang duda, alam na niya kaagad kung sino ang nasa loob noon. Alam na rin niya na ngayon ay paniguradong alam din ni Prince Kairo na siya ang nasa katabing kuwarto. Nang marinig niya ang mahinang yabag mula sa kapit- bahay niya, biglaan nalang siyang napatingin sa sarili niyang mga paa. Tila ba napako ang kan' yang mga talampakan sa sahig at napakagat pa ito sa kan' yang labi.
"Hayop na 'yan, ang gara- gara ng buong palasyo tapos naririnig ang footsteps sa kabilang kuwarto? Paano 'yon? Narinig niya rin kaya ako? Baka isipin niya nagpapapansin lang ako sa kan' ya, Diyos ko po! Ayaw ko na sanang palakihin pa ang ulo niya. Masyado na siyang nakakairita. Ang lakas ng loob niya talaga-" she covered her mouth when she heard a loud thud.
Dahan- dahan at maingat siyang naglakad patungo sa pintuan kung saan nagdudugtong ang kanilang mga kuwarto at doon ay itinapat niya ang kan' yang tainga upang mas malinaw na makasagap siya ng balita mula rito sa Prinsipe na para bang nagwawala, base sa tunog na umaabot sa kan' ya.
"Bad trip?" tanong niya sa sarili. Tumango- tango pa siya habang kinakausap ang sariling utak, "Baka akala niya kaya niya akong kayan- kayanin, tapos ngayon na hindi niya pala ako kayang palayasin sa loob ng isang araw ay hindi na siya makapaniwala. Baka hindi na rin siya makapag pigil at nagbabasag na siya ngayon doon sa kuwarto niya!"
Aliyah took this as a win. Alam niya na buong araw, sa bawat interaksyon nilang dalawa nitong Prinsipe ay puro mapapait na pangyayari. Kitang- kita niya sa mga mata ni Prince Kairo ang inis at galit dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa kan' yang kaharian. Tila ba hindi niya maatim na narito ngayon si Aliyah at mukhang mas napapalapit ang dalawa na tumuloy sa kasalan.
Aliyah walked over to her bed and gathered all her books to keep on the nightstand drawer beside her bed. She is making sure that she won't make any sound as she does this. She also grabbed one book,hugged two huge pillows and grabbed her thick blanket before walking downstairs to where her living room and office is.
"Dito nalang ako matutulog," sabi niya sa sarili habang inilalapag ang mga dalang unan sa couch. "Mahirap na, baka makagawa pa ako ng ingay doon sa taas at mapag initan na naman ako ngayong gabi. Sapat na 'yong mga natamo kong sampal kanina. Okay na siguro 'yon."
Bumalik na naman sa isipan niya ang malamig na pakiramdam kanina sa tuwing makikita niya kung papaano siya titigan ni Prince Kairo. Kahit kasi ilang ulit niyang sabihin sa sarili niya noon na ang lalaking nakilala at minahal niya ay hindi itong Prinsipe, hindi pa rin siya magising. Si Hiro pa rin ang nakikita niya sa tuwing makikita ang Prinsipe. Ngunit ngayon, nang mas matagal niyang matitigan sa malapitan ang lalaki, at nang marinig niya ang mga pahapyaw na mensahe para sa kan'ya, sa wakas ay namulat siya.
"Bawal ang promises lalo na kapag hindi naman balak totohanin," bulong niya sa sarili. Humiga siya sa couch para balutin ang sarili sa malambot na kumot. She curled up and giggled to herself. "Kaya pala walang naging totoo sa lahat ng pangako mo," she took a deep breath and closed her eyes to stop herself from crying. Inuunahan na niya ang pagpatak ng mga ito. Naaalala na naman niya ang napakatamis na nakaraan, at hindi siya natutuwa sa bawat bugso nito.
She can clearly see herself and Hiro at the top of her apartment building back in Zoraya. They stayed at the rooftop a lot, mostly at night. Gustong- gusto kasi ni Aliyah ang itsura ng mga bituin, lalo na kapag maaliwalas ang langit at masaya silang kumikislap- kislap. Ngunit isang gabi, nang sabay silang dalawa na umakyat sa rooftop dala- dala ang inihanda nilang pagkain para sa hapunan, wala silang ibang nakita kung hindi ulap.
Natatakpan ng makakapal na ulap ang kalangitan, at malungkot si Aliyah dahil ito ang inaabangan niya buong araw.
"Oh? Bakit naman ang lungkot mo? Hindi lang naman ito ang tanging gabi na makakatingin tayo sa mga stars ha?" sabi sa kan'ya ni Hiro. Kinurot pa nito ang kan'yang pisngi habang inilalapag sa maliit na lamesang iniwanan nila roon ang hawak- hawak na pot ng nobya.
"Kasi magmula kaninang umaga nang sinabi mo sa akin na mag stargazing tayo ngayong gabi, 'yon nalang talaga ang nasa isip ko. Akala ko pa naman makakapanood na naman tayo rito ngayong gabi. Sayang naman at dinala pa natin dito itong mga pagkain."
"Bakit naman sayang? Halika nga rito at umupo ka na sa tabi ko," pinagpag ni Hiro ang kumot na nasa sahig para paupuin doon ang babae. Nang makatabi na sa kan'ya si Aliyah, mahigpit niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Liyah, walang sayang basta magkasama tayo. Tandaan mo 'yan, okay? Tsaka tignan mo, hindi man tayo makapanood ng mga stars, maaliwalas naman ang simoy ng hangin. Puwede pa rin tayong kumain ng instant noodles at dumplings kahit na walang butuin."
"Puwede rin naman tayong kumain sa loob, nagpakahirap pa tayo. Tapos giginawin pa tayo!"
Hiro chuckled at how cute his girlfriend is, "Shush, huwag ka nang masyadong mainis. Kumain nalang tayo, ito oh may suot naman akong jacket," he removed his jacket and made her wear it. "Ayan, nilalamig ka pa ba?"
"Hindi," halata sa tono ng babae ang pagtatampo at pagkadismaya kaya naman niyakap muli siya ni Hiro.
"It's okay, babe," he said. "Hindi naman ito ang huling beses na yayayain kitang mag stargazing. Siyempre may susunod pa!"
Aliyah pulled away, "Talaga ba?" she asked.
"Oo naman! I promise you, kahit na gabi- gabi pa tayong kumain sa rooftop para lang mag abang ng kahit na isang star, gagawin natin. Sasamahan kita sa bawat pagkakataon na gusto mong manood ng mga bituin sa langit. Asahan mo na nasa tabi mo ako."
"Promise 'yan ha? Kapag naman hindi!"
"Oo nga, promise!"
They were so happy at that time. They ate and enjoyed the cold night together.
Aliyah opened up her eyes, bloodshot red and overflowing with tears. She just came back from being at the moment she spent with Hiro years ago.
It's the last time they ate diner together. It's the last time they saw each other. And it's the last time that Aliyah saw the stars.
"Great," she whispered under her breath. "Now I remember why I hate stars."
As she was drying her eyes from the tears, she didn't know that the same man who she's cursing is at his bed, waiting for a single sound coming from her side.
"Tulog na ba siya?" tanong nito sa sarili. He looked at the huge telescope standing right beside his balcony door. He made his way to it and pulled his curtains open.
"Liyah, are you watching them?" he whispered. "Look, the stars are beautiful," he said as if he's talking to the woman on the next room. But he can see the next door balcony's lights were turned off. The Prince sighed and continued to watch the stars.
"I hope you caught a glimpse of them," he said. "I gave you the best view."