"Hindi mo ba nagugustuhana ng tea mo Aliyah?" the elegant as ever, Queen asked.
Aliyah shrugged, "Nako hindi po, gustong- gusto ko nga po ang amoy. Ngayon lang po ako nakatikim ng ganitong klase ng tsaa. Kadalasan po kasi ang mga binibili ko ay 'yong mga punong- puno ng asukal o 'di kaya naman ay may kung ano- ano pang add- on, alam niyo na po, mga milk tea, ganoon," because of how nervous she was, she was over compensating. Blurting out every single word that comes in her head right now. She doesn't even know if half of what she's saying actually makes sense right now, she's clueless as hell.
Sinisisi niya si Prince Kairo. Kung hindi ba naman siya pumasok doon sa kuwarto niya kanina para manggulo, siguro ngayon ay maayos pa ang lagay niya. Baka nga ngayon ay marami na siyang mga seryosong katanungan na mailalapit sa Reyna para matuto pa siya nang mas mabuti. Ngunit ngayon, ano ang laman ng kokote niya? Walang iba kung hindi ang pag siksik sa kan'ya ng Prinsipe at ang pagnanakaw nito ng halik mula sa kan'yang mga labi.
Napakagat si Aliyah sa labi niya. Tila ba nararamdaman pa rin ng mga ito ang init ng kan'yang halik. Hindi mawala- wala sa sikmura niya ang kiliti na napaka pamilyar para sa kan'ya. Hindi na nga niya magawang magalit dahil ang nasa isipan niya lang ngayon ay ang panandaliang pagkasabik dahil sa isang bagay na hindi niya inakalang mauulit muli. Sa totoo lang ay natutuwa na siya kanina nang mapansin niyang tila ba may pagtingin pa rin sa kan'ya ang dating kasintahan. Ngunit nang maalala nito ang huling mga kagata na iniwanan sa kan'ya ng Prinsipe bago siya umalis, kumukulo na naman ang dugo niya sa hindi magandang paraan.
"I'll make sure to push you away, try me," he said. Napa-iling na naman siya dahil sa naalala niya. Hindi niya napansin na kanina pa siya pinapanood ng Reyna. Sa kasalukuyan ay nakaupo sila sa may couch ng tea room ng Reyna. Puno ang bawat shelf ng iba't- ibang uri ng mga tsaa na nakalagay pa sa mga garapon. Ang mga tasa na mukhang mamahalin at may importansya ay nakapatong sa may itaas na bahagi ng mga ito. Napag alaman din niya na itong kuwarto na ito ang pinaka paboritong lugar ni Queen Olivia. Ang sabi niya pa nga ay sa tuwing naririto siya, nasosolusyunan niya ang kahit na anong problema dahil sa pakiramdam na naibibigay sa kan'ya ng lugar. In here, she's at peace.
Kaya lang, kahit na anong effort pa ang gawin ni Aliyah para kalmahin ang sarili niya katulad ng reyna, hindi naman umeepekto. Parang mas lalo pa siyang nababaliw dahil sa katahimikan dito. Sa sobrang tahimik ng paligid, mas malakas sa pandinig niya ang sarili niyang mga iniisip.
"What's bothering you?"
"Prince Kairo-ay!" napatakip ng bibig ang dalaga. Siya namang natawa si Queen Olivia dahil sa naging reaksyon nito.
"It's okay darling," wika pa nito habang inaabot ang kan'yang palad. "I heard a lot of things. Pinipilit ka ni Kairo na umatras sa kasal, hindi ba?"
Aliyah was hesitant to answer that question. She just smiled and shook her head a couple of times, wishing that it would be enough of a response. Kaya lang ay nagkamali siya roon.
"It's okay Aliyah, hindi naman ako magagalit. Ang gusto ko lang ay magkaintindihan tayong dalawa. Malaking pagbabago sa buhay mo ang mangyayari dahil dito sa kasunduan na ito. At alam ko na 'yon din ang iniisip ni Kairo. Kahit pa marami ang nagsasabi ng kung anu- anong masasamang impormasyon tungkol sa kan'ya, masisigurado ko sa' yo na hindi man lang malapit ang mga 'yon sa kung sino siya talaga. Prince Kairo, he actually tried to beg me to stop this. Ang sabi niya pa, hindi namin kailangan na maging unfair sa'yo na tulad nito, and I understand him."
Tahimik pa rin na nakikinig si Aliyah nang patuloy na magsalita ang eleganteng ginang, "So, Aliyah, please tell me honestly. Kung hindi mo gustong sumugat at ituloy itong kasunduan na ito, hindi kita pipigilan. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang iniisip mo. Kung ayaw mo, kung gustong mong ituloy ang pagiging artista mo, go for it. I wont hold your wings and stop you from going where you want to be. Hindi ako hahadlang sa kahit na anong ninanais mo. Ako ang humihingi ng tulong dito, I am not demanding you to go on with it just because I am your Queen."
Aliyah smiled, "Queen Olivia, gusto ko po sannag maging sobrang honest sa in'yo," she said.
"Please, tell me anything."
"Sa totoo lang po, noong simula talaga ay ayaw ko po sanang gawin. Hindi ko po sinusundan ang bawat balita patungkol sa Prinsipe, ngunit alam ko naman po kung papaano siya tinitignan ng masa. He's being painted in a way that I can't even process in my little pea brain. Sobrang sama na po ng mga sinasabi sa kan'ya, hindi na po siya halos tao kung tratuhin nila online. At alam ko po na kaya umabot kayo sa puntong ito ay dahil apektado po kayo sa kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa anak nin'yo."
Queen Olivia started nodding, tears were forming in her eyes as Aliyah's sweet soft voice fill the room.
"Hindi po ako nabigyan ng gano' n kahabang pagkakataon para makasama ang mama ko, pero alam ko po na sa kakaunting oras na 'yon, sa tuwing nasasaktan ako, doble pa po ang sakit na nararamdaman niya. Alam ko na hindi lang po kayo nag aalala para sa trono, gusto niyo lang din po na matapos na ang lahat ng paninira sa anak nin'yo. At hindi po ako nandito ngayon para lang makuha ang posisyon ko sa kaharian," sabi niya. Diretso siyang nakatingin sa Reyna para ipakita ang sinseridad sa bawat sasabihin niya.
"Sa totoo lang po, kahit na hindi man po ako ang mapili nin'yo na magpakasal sa Prinsipe, wala pong problema sa akin. Alam ko po na hindi naman talaga para sa akin ang ganitong buhay, hindi para sa ulo ko ang korona. Kumakanta lang po ako sa stage at kung minsan ay umiiyak sa harapan ng camera para kumita. Pero kung magkakaraon po ako ng pagkakataon para tulungan ang ina ng buong kaharian, sa tingin ko po magiging napakasaya ko."
"Aliyah, hindi mo alam kung gaano mo napapagaan ang loob ko dahil dito sa mga sinasabi mo. Tama ka, hindi ko na nga kayang marinig sa araw- araw nalang kung papaano ako nagluwal ng isang Prinsipe na walang magawang tama. Na sobra akong nagkamali sa pagpapalaki kay Kairo. Napakalaking insulto para sa akin. Nakikita ko kung ano ang ginagawang paghihirap ni Kairo sa araw- araw para lang hindi siya matulad sa kung papaano siya nakikita ng publiko. Ngunit kahit na anong kilos pa ang gawin niya, walang nangyayari. We are being dragged down and we can't do anything about it but go to the extremes."
"Naiintindihan ko po, Queen Olivia. At gusto ko po kayong sabihan na hindi po magbabago ang desisyon ko. Hanggang may magagawa po ako para sa in'yo, sabihin niyo lang po at gagawin ko. Kahit po ano pang desisyon niyo, susubukan kong tulungan kayo sa abot ng makakaya ko."
"Sa ngayon hindi pa kayo makakapag pakasal ni Kairo. Humihingi pa siya ng apat na buwang palugit. Ngunit sa totoo lang, hindi ko alam kung makakaya ko pang ibigay sa kan'ya 'yon. Kaunti nalang ang oras at tuluyan ng mawawalan ng puwesto si Prince Kairo sa puso ng mga mamamayan. Matatapon ang lahat ng pinaghirapan at pinaglaban ng kan'yang ama. At hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nangyari 'yon."
"Huwag po kayong mag alala, Queen Olivia. Gagawin ko po ang lahat para mapapayag na makapagpakasal si Prince Kairo. I will also do my best to show his nice qualities to the public. Para po hindi na mas lumala pa ang lahat."
"What do you plan on doing, Lady Aliyah?"
"Puwede ko po siyang isama sa mga lakad ko. I can show my followers his other side. I can do vlogs, those are really popular these days. Puwede kong ipakilala si Prince Kairo bilang bago kong kaibigan. Alam ko po na kapag nakita nila kung sino siya sa likod ng mga paninira, kahit paunti- unti man po ay magbabago rin ang tingin sa kan'ya ng mga tao."
"Do you think that will work?"
Aliyah nodded, "Malaki po talaga ang chance. Lalo na po at nakikita ko rin po online na mayroon siyang mga fans na mga kabataan. Marami po ang pumupuri sa itsura niya, simula na rin po 'yon kahit na papaano," natawa pa si Aliyah habang si Queen Olivia naman ay napangiti rin kahit na naluluha siya kani- kanina lang.
"Talaga ba?" nakangiti niyang tanong. "Hindi ko kasi nakikita ang mga gan'yan na komento, natatabunan lahat ng puro pangungutya. "
"Opo naman, Queen Olivia! Kahit na sa siamula ay mabagal ang makukuha niyang positive comments, sigurado po ako na paunti- unti ay magbabago rin ang lahat."
"That sounds amazing, Aliyah. Kung kailangan mo man ng tulong para sa binabalak mo, sabihan mo lang sina Ira at Fernan, siguradong matutulungan ka nila sa paghahanap ng mga propesyonal na puwedeng umalalay."
Aliyah nodded, "Opo, makakaasa po kayo. Malaki ang tiwala ko rito, sana po magtagumpay nga bago pa siya mapilitan na tumuloy sa kasal," she said.
"He scolded you, huh? Sa'yo ba nabunton ang galit niya dahil sa arranged marriage?"
"Hindi po," Aliyah responded. "Sa tingin ko po, hindi naman siya galit. Pero siyempre po sumasagi rin sa isipan ko na kung matuloy man po ito, baka po pagsisihan lang ni Prince Kairo na matali sa akin," she forced a laughter to let the older woman feel at ease. As they were both enjoying their conversation, they did not notice Prince Kairo standing outside of the room. Bukas ang mga pintuan kaya naman malinaw ang buong usapan sa pandinig niya. Pakiramdam niya ay parang kinukurot ang kan'yang dibdib sa bawat pilit na tawa ni Aliyah.
"Stupid," he whispered. "You did it again... you put others over your own again."