Chapter 5: Her Smile

1655 Words
"Kai, ano ba? Hanggang kailan mo ba balak na tumunganga nalang d'yan sa sulok ng higaan mo? Ang aga kong narito kasi ang sabi mo sa akin ay puwede tayong sumakay sa mga kabayo nin'yo. Pinaasa mo na naman ba ako? Balak mo lang ba akong gawing alipin dito sa palasyo? Baka naman may crush ka na sa akin? Hala 'wag hoy, ayaw ko sa mga issue na gan'yan!" hindi pa rin kumikilos si Prince Kairo kahit na kanina pa siya binubulabog nitong matalik niyang kaibigan. Uno De Dios, anak ng isa sa pinakamayaman na businessman sa buong Aztariya. Hindi na siya bago sa palasyo. Kahit na kailan na ito mag labas pasok, wala ng problema. Kilalang- kilala na siya rito dahil halos dito na rin siya lumaki. They grew up together. Pinsan kasi ng Reyna ang tatay nitong si Uno, kaya kahit na hindi pa lumabas sa publiko ang totoong pagkatao ni Prince Kairo, itong si Uno ay kasama na niya. They went to the same school together, even studied abroad together, in college. Magkasama sila sa lahat ng kalokohan at sa lahat ng sikretong para sa kanilang dalawa lang. "Hoy, Kairo! Ang tamad mo. Dapat 'yan ang balita na kumalat patungkol sa'yo eh," hindi na rin halos gumagalang itong si Uno dahil sa sobrang dikit na dikit na sila ng kan'yang Prinsipe. "Sometimes I think of ordering all the guards to feed you to the lions," he calmly whispered without even looking at his best friend. Uno laughed, "Shunga, wala naman kayong leon dito." Prince Kairo, defeated, said, "That's the problem Uno, that's the biggest problem." Hindi na nagpapigil pa itong si Uno. Imbis na sa malaking sofa, pinili pa nitong siksikin ang matalik na kaibigan doon sa sarili nitong kama. Kahit na ilang beses pa niyang marinig ang malakas na pag alma ni Prince Kairo, wala sa plano nito ang tumigil. "Uno! Kaunti nalang talaga at papapugot ko na 'yang ulo mo!" "May isa pa naman," he smirked as if he won the argument. But when he turned to Prince Kairo, his handsome face is all scrunched up in disgust. "Why?" he then asked. "Anong why?" Kairo kicked him off the bed. The Prince did not care about his fancy equestrian clothing that might get ruined or soiled. He kicked Uno off like he's a piece of garbage terrorizing his comfy bed. "Aw!" he heard him scream after the loud thud. "That f*cking hurts! Ano ba ang problema mo?" Nakarinig silang dalawa ng mabibilis na yabag patungo sa silid ng Prinsipe kaya lang ay inunahan na ito ni Prince Kairo, "We're fine, no need to worry!" hiyaw niya upang marinig ng mga nasa labas. "It was Uno, he just fell like a dummy." "Excuse me?" tumayo si Uno at naka ngangang hawak- hawak ang kan'yang dibdib, "Ako pa talaga ang may kasalanan ha? Wow!" "Oh shut up. Kung gusto mong marinig kung ano ang nangyari, huwag ka na masyadong maingay at hindi ko naugugstuhan ngayon ang daldal mo. Masyado na akong maraming iniisip, dumadagdag pa 'yang pag talsik ng laway mo." He unconsciously gulped, "Grabe ka, wala namang laway!" umirap pa ito. Ngunit sa bandang huli ay parang masunuring bata siya kung umupo sa may dulo ng kama. Hinihintay ang balita na masisipsip mula sa prinsipe. "I need to stop these rumors about me as soon as possible. Masyado ng lumalala. It's up to the point where the crown itself is at risk." "Ha?" Uno yelled. "Hindi naman puwede na mapunta kay Tyler ang posisyon mo! Halatang- halata naman na ang mama niya ang gumagawa ng mga 'yan para lang kay Tyler mapunta ang korona. Lady Felicia is too much. Masyado na rin siyang nawiwili sa pagsubok na hablutin ang korona mula sa'yo." "That's the point, you got it. Kaya nga hindi puwedeng mangyari. Kahit pa gaano kabuti si Tyler sa akin, alam ko na hindi puwede dahil si Lady Felicia lang naman ang may gusto na magkaganoon ang sitwasyon." "So? Ano na ang balak mo n'yan? Paano mo lilinisin ang pangalan mo kung halos bawat bukas mo nalang ng kahit ano ngayon sa social media, ang bubulaga sa'yo ay ang mga paratang ng marami patungkol sa kasamaan mo. Balita ko ngamay anak ka na raw sa tatlong iba't- ibang mga babae. May tatlong panganay ka na raw!" nakuha pa na hampas- hampasin ni Uno ang kan'yang tuhod habang natatawa. "They are so stupid!" "That's not even my problem right now," Prince Kairo sat up to face him. "The Queen want's me to marry a person that she chose. I am getting into an arrange marriage." Uno shrugged, "That's normal for you. Prinsipe ka ng buong bansa natin. That's how it normally goes. It's not that surprising, right? Mas madali nga paniwalaan na ipapakasal ka sa isang Prinsesa rin-" "She's not a Princess." "Oh, kaya ba problemado ka?" "What?" Prince Kairo questioned him. "No, that is actually not the point that I'm getting at." "A relationship for convenience, what's the problem if that's not her royal status then? Ano ang iba pa na puwede mong-- oh, is she ugly?" he whispered the last question as if he's ashamed to even ask that one. "No! She's gorgeous, okay? She is very, very beautiful. She is a kind hearted beautiful lady! She is- f*ck, you know her." "Wait, I do?" "It's Liyah. They want me to marry Liyah. What am I supposed to do now?" Uno covered his mouth with his palm as he gasped loudly, "The f*ck?" he said. Umiiling- iling pa siya habang iniintindi ni Uno ang nangyayari. Kaya pala ganito ang nangyayari ngayon kay Prince Kairo. Alam na niya ngayon kung ano ang dahilan. He was there, siya lang ang kasama ni Prince Kairo nang mag- aral at magkasama sila sa Zoraya. Alam niya kung gaano katindi ang pagmamahalan nilang dalawa noon. Tatlong taon na silang magkalayo, at tatlong taon na rin niyang pinapakinggan ang pagwawala ni Prince Kairo at pagmumukmok nito lalo na sa tuwing maingay ang pangalan ni Aliyah sa media at sa publiko. "F*ck," he whispered. "Isn't that great then? Are you mad about it? 'Di ba nga dapat matuwa ka? You love her so much, you want to be with her so bad, even before. But right now you have the opportunity to do what you really wished for." "I do have feelings for her, yeah. I do , I wont even hide that. But she's being used right now to clear my f*cking name in front of the public. Hindi ko kaya na magamit ang pinaghirapan ni Aliyah para lang itapon sa akin. I am not that selfish. I already did something so wrong to her before. Hindi ko na puwedeng ulitin pa na masaktan siya ulit. Hindi ganito." "But if she's down to do it, why wouldn't you go for it? Umaayon na lahat sa kagustuha mo, umaayon na sa kung ano ang gusto mo na mangyari sa ending ng story nin'yo. Anong mali roon?" "Liyah is the too nice, man. Kahit na ano pa ang sabihin sa kan'ya ng mga tao, kahit na hindi niya gustong gawin, basta may matutulungan siya, gagawin niya!" The Prince slapped his forehead, "I can't use her. She doesn't deserve to be treated as an object that will only help my case. Ayaw ko na hanggang ngayon ako lang ang masaya. Liyah suffered a lot from what I did. I vanished without a single word." Tinapik- tapik ni Uno ang balikat ng kaibigan. "Uno, I left her," he whispered. "I left her without saying anything, not giving her context, without closure. And then years later, here I am, needing her to help me. How f*cked up is that?" "I understand how you feel and how you view it," Uno assured him. "So, what did she say about this?" "She wants to marry me," nakatulala ang lalaki na parang natatakot pa sa iniisip niya pati na rin sa mga nangyayari. Hindi siya natutuwa sa mga nangyayari. "She's also pretending to not know who I am. She's calling me Prince Kairo! What the hell was that? I am not used to that. Nakakapangilabot kapag pinapakinggan ko ang tawag niya sa akin. I- I want to push her away, I want to make her leave me this time." "I can hear a "But" coming in, what do you want to say?" "But it's too difficult for me. Sobrang gusto niya na ituloy ang arranged marriage. Gusto niya akong pakasalan at tulungan sa image ko. I can't stop myself from looking at her," he gave out a slight smile as he's thinking about the night. Hindi siya makapaniwalang nangyari ang lahat ng 'yon kagabi. "She's too beautiful," nawala na siya sa kung ano talaga ang gusto niyang sabihin sa kaibigan. Ngayon ay puro nalang sa kagandahan ni Aliyah ang focus niya. Ngayon ay puno nalang ng mukha ni Aliyah ang utak niya. "Huh?" pati si Uno ay naguluhan na. "Her hand's so soft, I held it again for the first time. It's too good. It exceeded my dreams," Prince Kairo smiled from ear to ear. However, in a split second, he frowned. Para bang nakaalala siya ng isang napakasakit na pangyayari. Hindi na siya makangiti muli, "She looked really sad though," said the Prince. Uno quietly sat there, listening to him. Just as he always do. "She looked so sad to see me," now water kept pooling in his eyes. He chose to go back in bed and lie in there, simmering in his own thoughts. "I need to push her away. I need to make sure that she doesn't get that sad again." "You don't know, maybe things would change, right?" "No," the Prince quickly said. "She never looked at me like that before. Now she looks at me and all I could see is pain. I need to be out of her life... maybe she can smile again. A genuine one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD