"Good bye, Love," Prince Kairo kissed Aliyah's cheek so softly. It felt like a soft brush of cotton ball that graced her face and it made her feel warm and fuzzy inside. It was something that she will for sure treasure for the next four days that the two of them would be away from one another.
"I am going to miss you," bulong ni Aliyah habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Prince Kairo. "Mag iingat ka, ha? Sa pag bisita mo sa may bundok, 'wag mong hahayaan na magpawis ka at baka mamaya hayaan mo naman na matuyuan ka ng pawis. Mag iingat ka rin sa mga tatapakan mo, medyo masyado ka pa naman mabilis maglakad, hindi mo pinapansin baka mamaya hindi maganda ang matapakan mo. You might get scratches, mag suot ka kayang boots? Puwede naman siguro 'yon, no?"
His eyes and nose were scrunched as he smiled so cutely, "I missed this," he said. Lumingon sa paligid si Prince Kairo at nang mapansin niyang walang ibang tao rito sa kan 'yang opisina, binuhat niya ang dalaga upang mapaupo ito sa itaas ng kan 'yang desk.
"Ho- hoy," napalunok ang dalaga nang makita niya ang nakakatunaw na titig sa kan'ya ng lalaki. He kept on glancing over her eye and then down on her lips. "Kairo, baka makita ka ni Mang Fernan na gan'yan, ang isipin pa no-hmm!" her soft lips were claimed by him right in that instant.
"Cherry?" nahampas ni Aliyah ang lalaki nang biglaang sabihin ni Kairo ang flavor ng lip balm na gamit niya. He giggled at the view of her flushed cheeks, "Too cute," he whispered and hugged her really tightly.
"Parang sira," Aliyah tried to hide her face in his chest. "Bakit ba ang hirap mo na iwanan? Apat na araw lang naman tayong magkakalayo ha?" she sighed and grabbed on to his clothes, wanting to hug him even closer even though they're already stuck like two blocks in a solid wall.
"Pagkatapos ko kayang bumisita sa bundok, dumiretso na ako sa'yo? Hindi muna ako babalik dito sa palasyo. Puwede naman siguro na roon din ako mag stay. Kasama niyo rin naman si Tyler, 'di ba? This is going to look normal, kahit na si Fernan hindi naman siguro ako papagalitan kung pumunta ako roon, 'no?"
Kinakabahan na napakagat labi si Aliyah, "No- no, 'wag na," she hurriedly replied. "'Di ba kailangan mo pa na pumunta sa isa pang ipinapatayo na school? Kailangan unahin mo na muna 'yon. Apat na araw lang naman, mas unahin mo na 'yong mga importante at talaga naman na dapat mong gawin para habang tinatapos ko ang mga kailangan kong gawin, tapusin mo na rin ang mga dapat mong gawin para wala na tayong kailangan na problemahin kapag magkasama tayo rito sa weekends, 'di ba? Plus, we plan to shoot a cooking video this weekend, si Tyler ang may idea. Ang sabi niya puwede nating gawin doon sa guest house para mukhang normal na kusina lang, since may makakapansin sigurado na pang palasyo 'yong kusina. I think it's going to be fun, gusto rin niyang sumali!"
"Oh yeah, he likes cooking. Sigurado na magiging masaya nga at maganda ang video na 'yon. I am down, wala na ba tayong ilalabas na video ngayong linggo?"
"I still have that video of us shooting the music video, behind the scenes. Hindi siya masyadong mahaba, but we can make a couple more videos next week."
"I like making videos," nakangiting tumitingin sa kan'ya si Prince Kairo. "I like showing off how close we can be to the public. It's fun, I like showing your followers that out of all of us that loves you, I won."
"You are really stupid," Aliyah whispered before kissing his cheek. "Alam mo naman na hindi ka lang basta- basta katulad nila. Ikaw rin ang nag iisang nakakuha sa akin, kaya kahit na mag yabang pa sa kanila, hindi mo na kailangan na gawin dahil sobrang angat na angat ka na, hindi ka nila ka- level. Okay ba?"
"Pero hindi mo pa rin naiintindihan, gusto ko kasi talaga na ipamukha sa mga fans mo. Lalong- lalo na sa mga may delusyon na balang araw ay magiging malapit din sila sa'yo dahil ako lang ang puwedeng lumapit-" he grabbed her forcefully by her lower back. "Ako lang, okay? Dapat ipakita natin na ako lang ang may karapatan, ako lang ako puwedeng gawin itong mga ito," he kissed her by the jaw before lifting her up and letting her stand on her feet.
"Lady Ali- Lady Aliyah?" nabigla si Fernan sa biglaang pag lalayo ng dalawa na nadatnan niya kaya sandali muna siyang napahinto dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa pagkakataon na ito. He can obviously feel the awkwardness in the air as Aliyah walk over to the side to pick up her side bag without saying anything as Prince Kairo fixed his suit with nervous fake coughs here and there.
"Ready na ba ang pag alis niya, Fernan?" the Prince asked.
"Ay oo naman at naayos na nila Dusk at Dawn ang lahat, pati nga sina Ira at Dan naroon na rin, hinihintay na rin siya roon ni Tyler. Hindi ko nga alam kung bakit naging napakatagal ng pamamaalam niya sa 'yo, Prince Kairo."
"Mang Fernan!" napasigaw si Aliyah. "Bababa na po ako, ha? Bye -bye na po. Sige na Kairo, ha? Aalis na ako, bye bye!" mabilis pa sa humaharurot na motor kung tumakbo dahil sa sobrang kahihiyan niya. Hindi niya rin kasi alam kung ano ba ang mga nasilayan ni Mang Fernan. Baka naman nakita pa sila nito na naglalampungan, isa na naman 'yon sa mga kailangan nilang pag- usapan sa pagbabalik niya dahil hindi naman nila dapat muna ginagawa itong mga ito. He was the one that kept on reminding Prince Kairo that the two of them should remain really 'proper and well mannered' with their relationship. Their intimacy should not be disturbing and disrespecting, that's the old man's thoughts. He's really conservative and behaved. And Prince Kairo hated that, he would love to go all in if possible, he's ready to sleep in the same room with her, just as they both did back then. But nobody should know about that and he's not going to tell his butler that. Not right now, he doesn't want Fernan to get a heart attack, that would be terrible.
"Ang tagal ha? Kinailangan pa talaga na sunduin muna ni Mang Fernan bago lumabas? Ano ba ang ginagawa nin'yo ni Kairo roon sa loob? Sa opisina niya pa mismo? Hindi ko na talaga nasusundan ang mga gawain ng mga kabataan ngayon," sunod- sunod ang kuda ni Tyler nang makapasok na si Aliyah sa loob ng jet. Hindi niya naiwasan na mapa- irap na lang sa walang katapusan na tawanan at panunukso nitong mga kaibigan niya sa kan'ya dahil lang nakalimot siya sa oras noong nagpapaalam na siya sa nobyo.
"Tigilan niyo nga ako," singhal niya sa kanila. "Basta na mabigat sa loob ko na iwanan siya nang ganito- hay, apat na araw lang naman. Dapat hindi ako masyadong nalulungkot nang ganito kalala eh. Feeling ko tuloy sobrang addicted na ako sa kan'ya. I might go insane next week. Baka mas malala na ang maging separation anxiety ko no'n."
Tyler rolled his eyes and replied, "Ang sabihin mo kaya mabigat ang loob mo na iwanan siya ngayon kasi may halong konsensya naman 'yang pag alis mo. Medyo nagu- guilty ka kasi hindi mo pa sinasabi sa kan'ya ang buong kuwento no'ng stalker mo at kung papaano nilooban ang apartment mo. Loka- loka ka naman talaga ano? Aminin mo na kasi, medyo may halong lungkot na galing sa pagiging sorry mo, I can read you like a book already, Aliyah," he giggled at the sight of Aliyah's face, it shows how done she is already from this conversation. "Hindi ka maka- angal kasi totoong nagu-guilty ka, aminin!"
"Parang shunga naman 'tong si Tyler kasi," angal ni Aliyah. "Hindi mo naman na kailangan na mai- point out 'yon. Alam na natin 'yon, okay? Hindi mo na kailangan na ipamukha sa akin. Guilty na nga ako, tapos gusto mo pa na ibulgar ko 'yon out loud? Sapakin kaya kita? Nakakaloka ka ha?" napakalakas ng naging hagalpak ni Tyler dahil nakuha niya ang expression na gusto niya. Parang nang aasar pa siya nang tapikin niya sa balikat ang babae. "Heh, magtigil ka na nga, gigil na gigil na ako sa'yo ha? Gusto na kitang murahin nang mas malutong pa sa chicharon na binaon mo. Teka nga, bakit ka nga ba nagbabaon ng chicharon? Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Bakit ka ba nakikialam ng chicharon ng may chicharon?" bulyaw nitong si Tyler. "Hiningi ko ito kanina sa bantay ko roon sa may guest house, bakit ba? Gusto mo lang n'yan eh, sabihin mo na lang nang malinaw hindi 'yang nagpaparinig ka nang gan'yan."
Wala na siyang nagawa nang hablutin ni Aliyah ang plastic na hawak- hawak niya at natawa na lang siya kasabay nila Dan at Ira.
"Ano nga pala ang schedule ko ngayon, Dan?" nilingon niya ang assistant na nakaupo sa gilid niya katabi si Ira. Mabilis naman na humarap si Dan sa kan'ya na tila ba naguguluhan kung papaano sasabihin ang nakasulat sa hawak- hawak niyang tablet. "Oh, bakit? Ano ang nasa schedule?" she asked once again.
"Uh- may shooting ka for a- hindi ko alam kung papaano ito tawagin. Hindi naman siya TVC, hindi rin naman siya promotional video. Pero kasi- hay," huminga siya nang malalim bago iharap screen sa kanila.
"Health- huh?" Tyler was surprised to see that.
"Ano 'yan?" tanong naman ni Aliyah na napapakamot pa ng noo.
"Kailangan mo na mag shoot ng video na para sa department of Health. Parang gusto nila na ikaw ang magpakita ng importance of hand washing, brushing of teeth, pati na rin mga simpleng ways para lang makaiwas sa mga lagnat or sipon, ganoon. Ang aim daw ay para maging engaged ang mga bata na makinig sa mga sasabihin mo at tumatak sa kanila kapag napapanood nila sa mga tv. It's a bit odd, but Emily kept on pushing you to do this thing. Ang sabi niya isa ito sa pinaka makabuluhan na mga projects at kailangan na ikaw ang makagawa talaga. Hindi masyadong malaki ang bayad, pero ang sabi naman niya ay papayag ka naman daw," wika ni Dan habang tinitignan si Tyler na tila ba hindi na mapigilan ang sarili na manukso.
"You take those too?" Tyler sarcastically gasped. "Grabe hoy, hindi ka rin pala mapipigilan ano? Lahat talaga pala makokonekta sa'yo, hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang sikat na artista ang magiging susunod na Prinsesa."
"Heh, puro ka talaga pang aasar," siniko ni Aliyah ang lalaki. "Alam mo ba, hindi ko naman talaga pinapakialaman kung ano ang mga kinukuha na project ng manager ko. Naniniwala lang ako na kahit na anong bagay sa akin at parang tugma na tugma sa image ko, 'yan ang kukuhanin niya. She for sure took this one in because I just told her everything. Nang malaman niya siguro na may relasyon talaga kami ni Kairo at malapit na kaming magpakasal, gusto niya na lahat ng mga susunod kong gagawin ay alam mo na, medyo may kabuluhan at hindi lang ako na ngumingiti sa harapan ng camera habang nag momodel ng kung ano man na pagkain."
"True, narinig ko nga parang ang dapat na gagawin mo talaga ay commercial ng sardinas pero inilipat na ni Emily sa ibang talent na mas mura ang bayad. Pumayag din naman daw 'yong kumpanya."
"What the hell? Sardinas?" Tyler slowly clapped. "Wow, I can't. Sobrang dami mo na bang endorsement na naubusan ka na ng mga normal na product para I-model kaya pati sardinas talaga- have you endorsed something really different- ano ang pinaka kakaiba?"
Aliyah stared at him, "Bakit parang gusto mo lang akong asarin nang walang humpay?"
"Shush, hindi naman. Gusto ko lang na malaman kung ano ang pinaka weird! I am fascinated right now, really!" masiglang sabi nito. "Dan, ano ang pinaka weird?"
"Oh, easy! One time, Aliyah was payed to model a brand of rat poisoning. Ibinuhos ng buong kumpanya ang ipon nila para makuha ang talent fee para kay Aliyah. And when they got her to hold that rat poisoning in her hand, hindi nagtagal at sumabog ang buong kumpanya na 'yon-"
"Sumabog?"
"They had to double the loads of product released, kasi isang araw lang halos ma- sold out na ang brand na 'yon sa mga stores. She saved the company by being in a thirty second commercial. Since then, she was known to be the only celebrity that has the power to bring back a brand back to life."
"Oh, ano?" Aliyah proudly hit him with her shoulder. "'Wag mo akong inaasar ha? Baka paliguan kita ng rat poisoning d'yan. Sobrang dami ng box ko no'n, I have a few boxes still."
Tyler rolled his eyes, "Lasunin mo 'yong stalker mo, hoy! Grabe, hindi k- okay, I am amazed."
He finally gave up on playing around, "Pero paano n'yan?" tanong ni Tyler.
"Paanong ano?"
"Kasi sa sobrang lakas mo sa publiko, baka ang isipin lang ng mga tao, kaya kayo magpapakasal ni Kairo dahil ikaw ang may kakayahan na pabanguhin ang pangalan niya."
Aliyah and Dan both fell quiet.
"'Di ba? Paano kung ganoon ang sabihin nila? That would be bad. It would turn out that he is just using you and he would receive much more hate for that... But- hay, siguro naman hindi mangyayari 'yon, 'no?"