Mabilis lumipas ang mga araw at halos nangalahati na naman ang isang buwan. Masaya si Aira dahil malapit na naman sahuran. Hindi man niya mahahawakan ng buo ang sahod niya ay atleast hindi siya mangangamba na mawalan sila ng panggastos. Ang kalahati ay mapupunta sa gastusin nilasa bahay at para sa gamot ng kanyang ama. Dahil sa hypertension araw araw itong umiinom ng maintenance para sa sakit. Ang iba sa kanyang sahod ay iniipon niy para sa pang kolehiyo ng kanyang kapatid. Importante para kay Aira ang pag aaral ni Archie. Graduating na ngayong taon ang kapatid niya sa Senior High School. Sa susunod na pasukan ay papasok na ito sa kolehiyo. Sa sobrang pagtitipid niya minsan ay nakakalimutan na n'ya ang para sa sarili. Nakatatak sa kanyang isipan na hindi pa ito ang tamang oras para unahin niya ang sarili. Malimit ipaalala ng kaibigan niyang si Ching na unahin naman niya ang sarili paminsan minsan. Mag enjoy, magliwaliw. Ngunit palagi niya lang tinatanggihan ang kaibigan at katwiran niya darating din ang tamang oras para diyan, at ang tamang oras na iyon ay kapag nakapagtapos na ang kapatid niya.
Nabalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa nang marahang tapikin siya sa balikat ng kapwa guwardiya na si Sanny. Nilingon niya ito at tinanong ang lalake, "Bakit?"
"Pansin mo iyang kotse na 'yan?" saad ng kasama sabay nguso sa kotse nakaparada sa tapat ng school. Maayos itong nakaparada sa gilid ng kalsada.
"Oo, pumarada 'yan kanina. Bakit mo natanong?" sagot ni Aira. Oo at kanina pa nga niya napansin ang sasakyan na nakaparada doon. Mahigit isang oras na rin mula nang tumigil ang sasakyan. Nakatitig ang dalawa sa sasakyan nang biglang bumukas ang driver's seat.
Napamaang ang dalawa nang iluwa ang isang babae. Matangkad at mala labanos ang kutis, mukha itong isang beauty queen sa tangkad at ganda.
"Ang ganda," halos pabulong na lang ang boses ni Sanny. Nilingon niya ang lalake, bahagyang umawang ang bibig nito dala marahil ng amusement nang makita ang bagong dating.
Naglakad ang babae palapit sa gawi nila. Halos lahat ng dumaraan at madadaanan niya ay nakatingin sa kanya dahil sa taglay nitong ganda.
"Good morning po," bati ng babae sa kanila. Pati boses niya ay namangha si Aira.
Pati boses niya ang lamyos.
Si Sanny ang unang nakabawi. "Good morning din po mam. Ano po ang maipaglilingkod ko?" Magalang na sagot ni Sanny. Tumikhim si Aira at humarap sa dalawa.
"Dito po ba nag aaral si Yazer Vallejo?" Tanong ng babae. Nagkatinginan naman ang dalawa dahil sa narinig.
"Ahm, mawalang galang na po madam, sino po ba kayo? Bakit niyo tinatanong ang batang 'yon?" tanong ni Aira sa babae. Pinagmamasdan niya ang babae at hindi maikakaila na may hawig sila ng bata. Hindi malayong malapit na kamag anak ito ng bata dahil sa features n'ya.
"Ako ang mommy niya." Nakangiting sagot ng babae, "I am Yen Jimenez." pagpapakilala ng babae sa sarili at inilahad ang kamay.
Inabot naman ito ni Aira at pinakilala ang sarili ganun din si Sanny.
Kumuha ng isang monoblock chair si Sanny para may maupuan ang bisita na bagong dating.
Niyaya nilang pumasok sa loob ng school si Yen ngunit tumanggi ito. Mas pinili niyang umupo sa labas ng gate at panaka nakang sumusulyap sa loob ng school. Umaasang makikita ang anak.
"Mam, pwede naman po kayong pumasok para makita ang anak n'yo. Basta may ID po kayo ay allowed naman po na pumasok ang mga magulang ng mga bata." paliwanag ni Aira kay Yen ngunit mariin itong tumanggi na ikinataka ng dalaga.
"H-hi di alam ng anak ko na nakauwi na ako dito sa Pilipinas galing States." nakayukong saad ni Yen. "I know you don't understand but it's a long story. Yazer's father and I separated. Legally separated. Mula noon lumayo na ang loob ng anak ko sa 'kin." Malungkot nitong sabi. Pati si Aira ay nakaramdam ng awa para sa babae.
"Kaya kahit patago ay binibisita mo siya?" hindi mapigilang tanong ni Aira kay Yen. Marahang tumango ang babae.
"Ayaw niya akong makita. Malayo ang loob ni Yazer sa akin. But as a mother, I will do everything para mapalapit ulit sa kanya." mapait na ngumiti si Yen.
"Bata pa kasi Miss Yen. Hindi pa niya maintindihan ang sitwasyon. For sure kapag nasa tamang edad na siya at nagkaroon ka na ng chance na magpaliwanag sa kanya, maiintindihan ka rin niya." Pangungumbinsi ni Aira.
"Thank you. Alam mo hindi ako mabilis magtiwala sa tao. Pero bakit sa'yo ang gaan ng loob ko?" nakangiting turan ni Yen.
"Mabait po kasi si Aira Mam. Tested ko na 'yan. Mapagkakatiwalaan siya sa lahat ng bagay." Sabat ni Sanny.
"Hoy , huwag ka nga. Nambola ka pa." Nahihiyang saway ni Aira sa kasama.
"Walang halong bola 'yon partner. Totoo ang sinabi ko from the heart 'yon.". tinuro pa nii Sanny ang dibdib.
"From the heart e, lungs 'yang tinuturo mo." pambabara niya sa kasama kaya nagtawanan silang tatlo.
"Aira, may smart phone ka ba?" tanong muli ni Yen kay Aira.
"Merin po miss Yen kaso nasa bahay. Hindi ko po iyon dinadala sa trabaho." Sagot niya. Ang totoo ay hindi talaga niya masyadong ginagamit ang phone niyang 'yon dahil nanghihinayang siya sa load. Wala naman talaga siyang hilig sa mga ganun. Nagkaroon lang siya ng ganung gadget dahil napanalunan niya ito sa raffle noong nakaraang Christmas party nila sa school kasama ang faculty members at staff ng school.
"Yen na lang masyado ka namang formal hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. Kung may smart phone ka ibig sabihin ay may f******k account ka?"
"Meron po Miss-Yen. Kaso hindi ako masyadong nag o-online kasi wala akong pang load." nakakahiya mang aminin ngunit nagsasabi lang siya ng totoo.
Napa tango tango si Yen, "Give me your number."
"H-ha?"
"Give me your number, I'll send you a load."
Napamaang si Aira sa narinig. Si Yen magbibigay sa kanya ng load? No! Nakakahiya.
"Miss-Yen, ano kasi… huwag na n-nakakahiya po kasi. Hindi mo naman ako kilala tapos-"
"Huwag kang mahiya, I. Want you to update me sa mga nangyayari sa anak ko. Please Aira, ikaw ang magiging mata ko dito pagdating sa anak ko." nakikiusap ni Yen kay Aira.
"Pwede ka naman magpakita sa kanya 'di ba? Kausapin mo siya." suhestyon ni Aira.
"Yeah, I can do that, but not now. Marami pa akong kailangan gawin. Not now Aira. Please promise me paki tingnan ang anak ko dito sa school please."
Napatango si Aira. Kahit naman hindi makiusap si Yen ay gagawin niya iyon dahil yun ang trabaho nila. Ang pangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng bawat estudyante sa loob ng nasasakupan ng eskwelahan.
Binigay niya ang kanyang personal number pati ang social media account niya kay Yen. Pagdating niya sa bahay ay hindi na siya nagtaka ng may dumating na load sa kanyang phone.
"Inay ko po! 500 pesos worth of load!? Halla ka Miss Yen! Ang laki naman!?" wala sa sariling bulalas niya.
Dali dali niyang ni-register sa unlimited promo para mas tumagal ang load ng kanyang telepono.
Nang matanggap ang confirmation message na pwede na nyang gamitin ng promo ay agad niyang tinawagan si Yen.
Sinabi ni Aira na ibabalik na lang niya yung iba dahil sobrang laki ng bi ugay niya ngunit tumawa lang si Yen a kabilang linya.
Nagtanong si Yen tungkol sa anak. Nag kwento naman si Aira sa mga na oobserbahan niya sa bata. Halos gabi-gabi itong tumawag para humingi ng update tungkol sa anak niya. Sa boses ni Yen ay nakaramdam si Aira. Minsan kung tumawag ito ay kulob ang boses at tila mahina. Para bang nasa loob ng isang kwarto o kulob na lugar.
Dama niya ng pananabik nito sa kanyang anak. Nangako si Aira kay Yen na tutulungan niya itong mapalapit muli sa kanyang anak.