Chapter 2

1205 Words
Nagising ako ng may tumapik sa aking mukha "Sis bangon na kakain na ng hapunan pinatatawag kana ng mama" bumangon ako at sumunod na kay ate habang nasa hapag kainan nagsalita ang mama "EL gayahin mo ang ate mo hindi puro landi lang ang inuuna ginamit din ang utak" sa halip na sumagot tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan hindi ko ba alam parang ibang tao ako kung itrato ng aking ina samantalang ang aking ama ay hindi man lang ako ipagtanggol sa aking ina ganun pa man ang ugali nila mahal ko pa rin siya alam ko naman kaya niya sinasabi yun para sa ikabubuti ng aming kinabukasan .. Lumipas araw napapadalas ang pagpunta ni Sandro sa bahay para nalang din akong wala sa bahay na ito at halos puro si ate ang bukang bibig hindi nalang ako kumikibo masaya sila na parang sila lang ang pamilya.. Isang araw gumising akong maingay sa bahay ang mama ang ate ay umiiyak wala akong kaalam alam samantalang ang papa ay hinahagod ang mama sa likod bakit sila umiiyak ? tanong ko sa aking sarili pababa na ako ng nakita kong may mga damit silang nakagayak aalis ba kami at ako nalang hinihintay nakakahiya maya maya nagsalita ang mama "hoy EL buti naman at nagising kana aalis muna kami ng ilang araw dahil namatay ang lolo mo sa probinsya ikaw muna ang bahala dito" umiyak na rin ako ang lolo namatay magsasalita sana ko ng sumingit ulit ang mama "hindi naman kailangan na nadun kapa tandaan mo ilock mo ang pinto kung aalis at matutulog ka may pagkain jan ialng araw lang kami mawawala saka matanda ka naman na 18 kana para ipagbilin pa sayo yun alam mo na gagawin mo" si papa nakatingin lang sa akin na alam kong awa ang mababanaag sa mata "opo ma" habang umiiyak ako ay may iniabot si ate " EL pakibigay naman sa mga professor ko excuse yan naitext ko na rin ang mga kaklase ko para jan alam nila na ibibigay mo yan mag iingat ka dito sis dahil ikaw lang mag isa " tumango ako bilang pag sang ayon habang nag aabang na sasakyan na jeep papuntang bayan nilapitan ako ng papa at bumulong "anak pag pasensyahan mo na ang mama mo ha mag iingat ka diyan anak mahal na mahal ka ng papa" ngumiti ako at sinabi "opo papa mahal ko din po kayo ng mama " maya maya nakapara na ng jeep ang mama at sinabing "Luisito bilisan mo tama na pagbibilin sa anak mo matanda na yan" kita ko ang lungkot sa mata ni papa habang papalayo Habang pabalik nako sa loob ng bahay naisip ko nakakalungkot din pala na wala ang mama papa at ate kahit minsan hindi ako tinuturing na anak ni mama kahit si ate lang ang paborito nila... Sa maghapon na iyon inaksaya ko ang oras sa paglilinis ng bahay ano paba gagawin ko tapos nako maglinis tumambay muna ko sa labas sa ilalim ng puno at naalala ko nanaman ang lolo tumingin ako sa langit at nagsalita "Papa Jesus bakit po hindi nila ako isinama anak din naman nila ko lolo ko din naman ang namatay diba po? Pero salamat papa Jesus na kahit ganon ang trato ni mama sakin may magulang pa rin ako papa jesus minsan sana mabulong mo kay mama na mahalin niya din ako kase anak niya din ako siguro po pag nangyare yun masaya nako" maya maya lang pumasok na rin ako sa loob at pinagpasyahan ng matulog nilock ko ang dapat ilock pinatay ko ang ilaw at natulog na .. Kinabukasan may pasok nanaman gumayak ako para pumasok nag almusal at nag jeep papunta sa school... Pagkapasok ko palang ng gate nakita ko na si Dianne ang classmate ni ate at inabot ang papel na binigay niya habang paakyat ako sa third floor ng school papunta sa Accounting Department dahil dun naman talaga ako nakita ko si Sandro kasama ang barkada niya crush ko si Sandro pero paano ko siya pakikiharapan kung ate ko ang mahal niya minsan na akong umamin sa kanya pero sabi niya hindi niya ako gusto at ate ko ang mahal niya umiwas nalang ako simula noon .. 5pm na ng pinalabas kami ng professor 1 araw ng walang tao sa bahay miss ko na ang pamilya ko maya maya lumapit sakin si John "EL sabay kana sakin" simpleng umakbay pa ito "nako wag na john may dadaanan pa akong importante" pero ang totoo wala nakita ko lang si Sandro na masama ang tingin kay John kase ayaw niya na kung sino sinong lalaki ang umaakbay sakin at sabi niya bilang magiging asawa ng ate ko in the future magiging kapatid niya na rin ako diba ang sakit sakin noon mahal kos iya pero hindi ko kayang ipaglaban kase si ate ang mahal niya at mahal ko din si ate sa kabila ng pagiging mabait nitong kapatid .. Lumipas ang araw nakabalik na sila mama masaya ako kase nakabalik na sila hindi nako mag isa .. Ilang araw nalang din gagraduate na ang ate ko at ako naman ang 4th year na next year masaya ko sa achievement ng ate ko c*m Laude siya yun ang nakalagay sa invitation sa school nila masaya ako para kay ate masayang masaya ganun din ang mama at papa .. Minsan napunta ako ng palengke pinagmamagaling nila ang ate sila daw ay may anak na matalino na maganda pa at may gwapo at mayaman pang magiging manugang yun ang lagi kong naririnig masakit sa tenga na lagi pinupuri nila ang ate pero kahit ganun pa man hindi ako nagtanim ng galit bagkus pinagbubutihan ko pa ang pag aaral.. maya maya narinig ko ang katabing tindera sa palengke na bumulong sa isang tindera "nako mare yan ba yung bunsong anak ni mareng Almira ang ganda naman pala hamak kaysa dun sa ate maganda din naman ang ate pero mas maganda ang bunso dahil hindi nakakasawang tingnan ang mukha nito" maya maya sumabat ang isang matandang tindera " oo mare ewan ko ba kay kumareng almira e mas maganda naman hamak ang bunso niya ang pinag mamagaling e yung anak na" hindi na natuloy ang sasabihin nito ng may bumili sa halip na magtanong ngumiti nalang akong napakatamis sa tindera na yun at dumiretso na kila mama at papa.. Lumipas ang ilang pang araw ginagabi na ang ate pag uwi dahil sa pag papractice sa graduation nakita ko lagi tong hinahatid ni Sandro masakit sakin kase naalala ko kung paano sinabi sa akin ni Sandro na kapatid lang ang turing niya sa akin at si ate ang kanyang mahal.. Pero habang umiiwas ako kay Sandro bakit parang mas lalo ko siyang minamahal dahil sa kung paano niya alagaan si ate ganun din ako dahil yun daw ang gusto ni ate kahit ayaw niya masakit pero okay lang nagiging plastic si Sandro pag nakapaligid ang ate niya napaka sweet nito sa kanya minsan nga lumabas pa silang tatlo dahil yun ang request ng ate niya habang masaya sila ako ay ginugupo ng matinding sakit ng hindi nila alam pero hanggang saan paba aabot ang pagpapantasya niya kay sandro kung ayaw naman siya nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD