ISANG haplos sa pisngi ang nagpagising kay Zasha. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang mukha ni Christopher. "Chris--" "Ssshh.." kaagad nitong awat sa kanya at tumingin sa paligid. Doon lang napansin ni Zasha na nasa bisig na siya nito. Gustuhin man niyang magtanong kung paano siya nito naibaba, ngunit mas nakaagaw pansin sa kanya ang duguang hita nito. Bigla siyang nanginig at labis na nag-alala. Sinikap niyang makaupo ng tuwid at pinagmasdan ang kalagayan nito. Kaagad nanubig ang kanyang mga mata. "M-may sugat --" "Ayos lang ako." Hinaplos nito ang kanyang mukha. Muling nakita ni Zasha ang galit ang pag-igting ng panga nito. "Kailangan kitang mailabas dito. Namumutla ka." Bumigat ang paghinga nito. Nanghihinang naisandig ni Zasha ang ulo sa dibdib

