BIGLANG nataranta si Zasha at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa naisipan niyang tumakbo palabas upang humingi ng tulong.
Ngunit natigilan siya ng makasalubong ang Doctor na nakausap niya kanina.
"Doc--"
"You're lucky; someone willingly helped so that your mother could undergo surgery..." wika nito na siyang ikinahinto niya. Parang nabingi siya sa sinabi nito.
Hanggang sa hawakan nito ang magkabilaang balikat niya at bahagyang ngumiti.
"Maooperahan na ang iyong inay, hija."
Bigla siyang napalunok. Gumuhit ang saya sa mukha niya ngunit naroon ang katanungan kung sino naman kaya ang taong iyon na kusang tumulong sa kanilang mag-ina?
Imposible namang ang kanyang itay? Sana nagpakita na ito, hindi ba?
Hindi naman yata nito matitiis ang kanyang ina na hindi nito makausap o makita man lang bago ito operahan?
"Sinong --"
Nang kaagad itong nagsalita.
"Hindi siya nagpakilala, hija."
Sandali siyang natahimik. Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang kanyang inay.
"Operahan niyo na ho ang inay ko, Doc. Nahihirapan na ho siya," tarantang wika ni Zasha at talagang hinila pa niya ang braso ng Doctor.
"Calm down, okay."
Nagtaas-baba naman ang kanyang paghinga dahil sa pagtakbo niya kanina. Dala na rin ng matinding kaba at takot para sa kanyang ina.
Hanggang sa kunin nila ang kanyang inay upang ihanda para sa isang operasyon. Ngunit hinawakan pa ng kanyang inay ang kanyang kamay.
Pinilit niyang huwag umiyak sa harapan nito ng makita niyang nangilid ang luha sa mga mata nito.
"H'wag na kayong umiyak, inay. Gagaling ho kayo. May taong tumulong sa atin," wika ni Zasha at pilit pang ngumiti.
Nang yakapin siya nito. Rinig niya ang mahinang paghikbi nito. Hindi naman tuloy napigilan ni Zasha na mapaluha ng palihim.
"Mahal na mahal kita, anak. Lagi mo 'yang tatandaan. H'wag mo ring kakalimutan ang iyong itay. Abier Del Fio ang kanyang pangalan. Kung sakaling hindi makarating sa kanya ang sulat, ikaw mismo ang pumunta sa kanilang mansion. Kailangan niyang malaman na may anak siya sa akin."
Tinitigan niya ang luhaan nitong mukha.
"Gagaling kayo, inay. H'wag mo munang isipin ang mga bagay na 'yan. Ikaw ang mas mahalaga sa akin."
Ngunit lalo lang itong napaluha. Hinaplos nito ang kanyang magkabilaang pisngi. Lalo pa siya nitong pinakatitigan na nagbibigay kilabot sa kanya.
Kung makatitig kasi ito, para bang nagpapaalam na ito sa kanya? Na labis niyang kinatatakutan! Hindi niya kakayaning mabuhay mag-isa kung mawawala ito.
"H'wag niyo kong tingnan ng ganiyan, inay.." tuluyang bumagsak ang luha ni Zasha sa harapan ng sariling ina.
Nanginig din ang kanyang buong katawan.
"Patawarin mo 'ko, anak. Mahal na mahal kita. Basta wag mong pababayaan ang sarili mo --"
"Inay naman!" awat niya sa sariling ina.
Niyakap niya itong muli.
"Gagaling ka, inay. H'wag ka namang sumuko! H'wag mo kong iiwan. Ngayon pa bang may pangpagamot na sa iyo?" basag na bigkas niya sa sariling ina.
Bago pa man ito makapagsalita, sumingit na ang Doctor at kailangan na maoperahan ang kanyang ina.
Wala siyang nagawa kun'di ang sandaling pakawalan ang kanyang ina. Isang halik ang ibinigay niya rito bago ito ipinasok sa operation room.
ORAS ang lumipas.
Kanina pa hindi mapalagay si Zasha habang hinihintay na lumabas sa operation room ang mga Doctor at Nurse.
Hanggang sa napabangon siya mula sa pagkakaupo nang makitang bumukas ang pinto.
Ngunit biglang kinabog ang dibdib niya ng makitang mukhang malungkot ang mga ito?
"Doc, kumusta ho ang operasyon ng aking inay?"
Hindi ito kaagad nakapagsalita. Hanggang sa napalunok siya ng isa-isang humakbang paalis ang mga kasamahan nito.
"Doc--"
"I'm so sorry, hija.."
Bigla siyang napalunok.
"Ano hong ibig niyong sabihin, Doc?" tanong ni Zasha habang unti-unting nangangatal ang kanyang buong katawan.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang kaharap.
"Hindi na lumaban pa ang iyong, inay. Bigo ang operasyon--" Napahinto ito ng kaagad siyang napailing-iling.
Sa sobrang pagkabigla, bigla na lang siyang napasalampak sa sahig kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Ramdam niya rin ang pagtayuan ng balahibo sa kanyang buong katawan. Nang kaagad siya nitong agapan, ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ng Doctor.
"Buhay ang aking inay, hindi ba, Doc?" naiiyak na wika ni Zasha sa kaharap.
Kahit malinaw sa pandinig niya ang sinabi nito kanina, nagbabakasakali pa rin siyang nagkamali lamang siya ng pandinig.
Malungkot siya nitong tinitigan na siyang lalo niyang ikinaiyak. Ramdam niya ang matinding panghihina ng kanyang katawan.
"Wala na siya, hija. Hindi na siya --"
Nang malakas siyang napahagulhol at sunod-sunod na napailing.
"Hindi. Hindi ako iiwan ni inay! Hindi niya ito magagawa sa akin.." natatarantang wika ko sa sarili.
Nang bigla siya nitong yakapin.
"I'm so sorry, ginawa namin ang lahat. Ngunit sadyang ayaw ng lumaban pa nang iyong inay."
Lalo siyang napahikbi. Hindi mawala-wala ang kilabot sa kanyang pakiramdam. Hindi niya matanggap na magagawa siyang iwanan ng kanyang ina!
Kaya pala ganoon na lang ang habilin nito at pagpapaalala sa kanya.
Paano mo ito nagawa sa akin, inay?
Nagmamadali siyang tumayo at tinakbo kung nasaan ang kanyang ina. Luhaan siyang lumapit dito at 'agad hinawakan ang kamay ng sariling ina.
"I-inay.."
Niyugyog niya ito.
"G-gumising ka, inay. Hindi mo ito magagawa sa akin, hindi ba? Hindi mo 'ko iiwan?" naiiyak na wika ko.
Ngunit walang tugon mula rito. Hanggang sa nanghihinang nayakap niya ito nang mahigpit. Doon siya umiyak nang umiyak sa bisig nito.
"B-bakit mo 'ko iniwan, inay? Paano na ako? Hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa?" 'Di ko qnapigilang mapaiyak ng sobrang lakas.
Nang mataranta si Zasha ng makitang ilalayo sa kanya ang kanyang ina. Hindi niya pinapakinggan ang paliwanag ng mga ito.
Ngunit ganoon na lang ang pagmamakaawa ni Zasha ng pilit nilang kinukuha ang kanyang ina. Hanggang sa biglang nandilim ang kanyang paningin.
NAPABALIKWAS si Zasha ng makitang nakahiga siya sa isang kuwarto. Hanggang sa nagmamadali siyang tumayo ng maalala ang kanyang ina.
Kaagad na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nang akmang bubuksan niya ang pinto nang biglang sumungaw doon ang Doctor na lagi niyang nakakausap.
Kaagad niya itong nilapitan.
"Doc, ang inay? Saan nila dinala ang aking inay?" natatarantang bigkas niya sa harapan nito.
Nang hawakan nito ang magkabilaang balikat niya.
"Dinala lang siya sa morgue. Pero kinabukasan, p'wede na siyang dalhin sa bahay niyo."
Bigla siyang napalunok. Tahimik siyang napaiyak at nanghihinang napaupo. Totoo ngang wala na ang kanyang ina. Iniwan na siya nito.
"Dahil ikaw na lang ang natitirang pamilya ng iyong ina, hayaan mong tulungan kita sa pag-aasikaso ng kanyang libing."
Bigla siyang napaangat ng tingin. Hindi na siya nahiya kung luhaan siyang napatitig sa Doctor.
"I-ikaw po ba ang tumulong --" Napahinto siya ng kaagad itong umiling.
"Tulad ng sinabi ko, may ibang taong tumulong sana sa operasyon ng iyong ina."
Mabigat itong napabuntong hininga.
"Sadyang ayaw nang lumaban ng iyong inay."
Bigla siyang napayuko at mahinang napahikbi. Tinakpan niya rin ng dalawang kamay ang kanyang mukha upang maitago ang matinding sakit na bumalatay sa kanyang mukha.
"S-salamat, Doc. Kung anoman ang hihingin niyong kapalit sa pagtulong sa akin, ngayon, sabihin niyo lang ho.."
Ngunit hindi ito kumibo.
LUMIPAS ang isang Linggo.
Walang humpay na umiyak nang umiyak sa sementeryo si Zasha. Mag-isa na lang siya ng mga oras na iyon.
Patuloy niyang tinatawag ang kanyang ina. Ngunit katahimikan lamang ang sumasalubong sa kanya. Hanggang sa pumatak ang ulan, hindi niya binalak umalis sa libingan ng kanyang ina.
Sobra siyang nasasaktan na walang itay na nakaalam ng kalagayan ng kanyang ina. Hindi siya makapaniwalang hindi man lang nakaratinh dito ang sulat?
Ni hindi rin kasi naitanong ni Zasha sa kanyang ina kung sino naman ang pinagbigyan nito ng sulat para sana naiabot sa kanyang itay.
"I-inay...!"
Nakasalampak siya lupa habang nakayuko ang ulo sa kanyang mga tuhod. Hinayaan niyang magsibagsakan ang tubig sa kanyang katawan. Lalo siyang napaiyak at mukhang nakikisama ang kalangitan.
Kumidlat at dumagundong ang langit. Ngunit para bang wala na siyang takot at gusto na lang niyang mawalan ng malay sa lugar na iyon at h'wag nang magising pa.
Walang kaalam-alam si Zasha na may mga matang nakamasid sa kanya.
Hanggang sa utusan nito ang tauhan.