NAPABALIKWAS si Zasha nang makarinig ng kaluskos. Sa inaantok niyang mga mata, kaagad niyang iginala ang paningin. Bahagyang madilim at tanging lampshade lamang ang nagbibigay-liwanag. Napahikab si Zasha ng wala naman siyang naramdamang kakaiba. Tahimik ang kapaligiran, at dahil sa kaantukan, agad din siyang napahiga. Ipinikit ang mga mata. Bigla na naman niyang naisip si Christopher, gusto na naman niyang maiyak at mukhang wala pa rin itong balak umuwi? Ilang Linggo na itong wala - 'di rin naman niya matanong si Henri. Kung bakit, nagagawa niyang magmatigas kahit ang totoo, kating-kati na siyang malaman kung kailan uuwi ang amo nitong si Christopher. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zasha. Bigla siyang natigilan nang maramdaman niyang tila ba may nakatingin sa

