NAPAKAGAT-LABI si Zasha ng marinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naisipan niyang umupo sa gilid ng kama habang nilalaro-laro ang mga daliri niya sa kamay. Ilang minuto ang lumipas. Napaangat siya ng tingin nang marinig ang mga yabag na papalapit. Ganoon na lang kabilis ang pang-iinit ng kanyang mukha ng makitang nakatapis lang ng tuwalya si Christopher. Nagpupunas ito ng basa nitong buhok habang nagsisilabasan ang muscles nito sa braso nito. Napalunok din si Zasha ng tumama ang mga mata niya sa bato-bato nitong tiyan! Tila ba nang-aakit ang pangangatawang mayroon ito! Hindi naman kasi maitatanggi ni Zasha na kay ganda ng katawan ng lalaki. Hanggang sa napayuko siya ng makita ang bumubukol sa ibaba ng tuwalya nito. Lalo lang naramdaman ni Zasha ang pamumula ng kanyang mukha!

