HINDI maiwasang magtaka ni Zasha at ilang araw ng 'di niya nakikita ang lalaking si Del Lusca. Hindi sa gusto niya itong makita, masaya pa nga siya at hindi niya ito nakikita, hindi niya lang maiwasang magtaka? Ang laging pumapasok sa loob ng kuwarto upang magdala ng pagkain, ang kanang-kamay nito na bigla yatang nanahimik? Hindi na ito nagsasalita kagaya noon? Hindi kaya pinagbawalan ito ng matandang Del Lusca na iyon? Habang nakaupo siya sa mahabang sofa ng bumukas ang pinto. Napaupo ng tuwid si Zasha ng ibang tao ang nagdala ng pagkain niya? At 'di niya nagustuhan ang paraan ng tingin nito sa kaniya na para bang hinuhubaran siya nito? Lihim na napalunok si Zasha. Hindi niya maintindihan ngunit ginapangan siya ng takot! Bigla niyang naisip ang kanang-kamay ni Del Lusca? Nasaan

