Episode 78

1530 Words

"MAY maitutulong ba ako?" tanong nito sa kanya. Kasalukuyan niyang sinasabunan si Christian. Hanggang sa bahagya niya itong lingunin. "Hawakan mo." Gustong mapangiti ni Zasha at kay bilis ng kilos nito. Buong ingat naman niyang binanlawan ang katawan ng anak. Ang nakakatuwa at 'di iyakin si Christian kapag pinapaliguan. Mukha pa nga itong sabik sa tubig at panay kalampag lang ng mga kamay at paa nito at bumubulong-bulong pa. Hanggang sa laruin ito ng ama. Lalong umalingawngaw ang malakas nitong hagighik na talagang ikinakatuwa ni Christopher. 'Di tuloy maiwasang mapangiti ni Zasha. Kinuha niya ang towel at ibinalot doon si Christian. Akmang kakargahin niya ito nang kaagad sumingit si Christopher. "Ako na, baby." Hindi na lang siya kumibo at dumiritso na siya palabas. Sumunod n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD