"MAY pupuntahan lang ako." Hindi nakakibo si Zasha. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong magpaalam sa kanya? Katatapos lang nilang mag-almusal. At hindi niya akalaing sasabayan talaga siya nitong kumain. Doon na rin ito naliligo at doon na rin nagbibihis. Tinalo pa nilang mag-asawa! Napansin niya rin na hindi na matalim ang mga mata nito kung tumitig sa kanya. Napalitan iyon nang kakaibang titig na hindi maipaliwanag ni Zasha. Nang biglang maalala ni Zasha ang nangyari sa kaniya ng pagtangkaan siyang gahasain. Sa isiping aalis ito, hindi niya maiwasang makaramdam ng takot! Napalunok siya sa harapan nito. At alam niyang nakita nito ang takot na bumalatay sa kaniyang mga mata. "Iiwan ko si Henri. Ang kanang-kamay ko. Wala kang dapat ikatakot. Babalik din ako kaag

