Ilang araw matapos ang pamamalagi namin sa paraiso ay bumalik kami sa mansyon dahil kailangan na si Claude sa trabaho niya. Ayaw pa nga niyang umuwi pero sinundo na kami ni Kuya Anton kaya nahiya tuloy ako dito. Paraiso ang pinangalan ko sa lugar dahil doon ay nabigyan kami ng laya ni Claude na maging isa at dito ko sa kanya binigay ang regalo ko sa kanya. At isa pa ay may salo-salo raw sa bahay para sa kaarawan ko, hindi ako nagce-celebrate ng birthday ko mula nang mawala si lolo at lola pero nagluluto pa rin noon sa bahay namin. Miss na miss ko na rin ang kapatid ko na si Clyde at nangako naman si Claude na dadalhin dito ang kapatid ko. Natakot nga lang ako dahil baka magkaroon ng pagkakataon si mama na magkaharap kami. Ako ang nahihiya ng sobra dahil sa lihim namin na relasyon ni

