Ngumiti siya. Sana sa pagkakataong ito, tutuparin na ni Zach ang pangako nito dahil hinding-hindi niya ito papatawarin ‘pag namatay ito. Muli siyang tumihaya at pinagmasdan ang langit. Gusto niyang makakita ng bituin pero mahirap ang kaniyang gusto. Ito kasi ang ginagawa nila ng lalaki noon nung minsan nag-star gazing sila sa Zambales dalawa. “Naalala ko ‘yong mga panahon na magkasama tayo sa Zambales,” mayamaya’y saad ni Zach. “Tapos may shooting star,” dugtong niya. “What did you wish that night?” “Makasama ka.” Hindi ito agad nakasagot sa kaniyang walang prenong sinabi. Saglit siyang lumingon sa binata at nakita niyang matiim ang tingin binigay nito sa kaniya. May mga mensahe ang mga kislap ng mata nito. Nagmistulang romantic ang buong paligid dahil sa lakas ng t***k ng kaniyang p

