Hindi umimik si Zach sa kaniyang tabi. Tahimik lang ito pero nang tumingin ito sa kaniya, ngumiti ito at tumango. Habang siya ay walang masabi. Wala siyang karapatan magsalita. Dahil kung saan siya ang papipiliin, doon siya sa Exitus kesa sa Guild War. Wala man siyang kaalam-alam sa guild war na iyan pero sa tunog pa lang, alam niyang delikado at maraming masasawing buhay. “Kahit ako, gusto kong sumubok na hanapin ang Exitus.” Si Orion ang nagsalita. Humakbang ito papalapit sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa unahan. “Lahat naman siguro ay gano’n ang gusto pero ang tanong, saan tayo magsisimula.” Hindi na rin mapigilan ni Tala ang sumingit. Nababatid sa mukha nito ang pag-alala. “Isa rin ‘yan sa mga tanong na bumagabag sa`kin. Kung may alam lang tayo kung ano ang hitsura nang Exit

