Napahinto siya sa pag-iyak at napatingin sa mata nito. Hinahanap ang katotohanang nagsasabi ba ito ng totoo at nakikita niyang nagsasabi nga ng totoo si Zach. “A-anong gagawin natin? Dapat sabihan natin sila.” “Don’t worry love, hangga’t nandito ako, sa tabi mo. Walang pwedeng manakit sa`yo.” “Hindi mo kasi naiintindihan Zach!” napabitaw siya rito. “Ang dragon mo ang kailangan niya. Isa pa, siya rin si Oscarius—” “At hindi siya namamatay, Amulet.” Natahimik siya bigla. May punto si Zach. Malamang hindi namamatay si Oscarius, ito mismo ang may-ari ng Znthra at ngayon pa nga, nagawa na sila nitong paglaruan. “Tayo na. Hindi ka rito pwedeng mag-isa.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila para umalis sila roon. “Bakit?” “Isa

