Nanginig ang katawan ko nang makita si ate Loraine ang dahilan kung bakit ako nagpapanggap na nerd. “Bakit magkasama sila ni ma’am Sofia?” Katanungan na nagsusumigaw sa isip ko. Hindi ko magawang makatayo mula sa kinauupoan ko, nasa harapan ko sila. Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi ni ma’am Sofia dahil sa kabang nararamdaman ko. Nakatingin siya sa akin, nakataas ang mga kilay at may mapang-uyam na ngiti sa labi. “Miss Almonte, is Greyson inside his office?” Narinig kung tanong ni ma’am Sofia pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko para sagotin siya. “I thought the playboy billionaire Greyson Lewis magaganda ang kinukuhang assistant. I’m not being mean, I'm just curious” Maarteng sabi ni ate Loraine kay ma’am Sofia. Tinitigan niya ako. Saka lang ako medyo kumalma nang ma-realiz

