Kahit gusto kung mag-resign sa trabaho para maiwasan si Greyson the devil hindi ko magawa dahil sa kapatid kung si Luis na kailangan nang gamot. Maganda ang pasahod sa G&L hindi ko kailangan alalahanin ang pambili nang gamot at pambayad nang renta nang apartment buwan-buwan. “Ang lalim ‘ata nang iniisip mo, gurl. May problema ka ba? Pinapahirapan ka na naman ba nang bossing natin na sobrang yummy” “Pinapahirapan niya ang puso ko” Ang gusto kung sabihin kay Lusie pero hindi ko masabi dahil ayaw kung may makaalam na nagkakagusto na ako sa playboy naming boss. Kahit kaibigan ko si Lusie ayaw kung may makaalam nang lihim ko. Ilang araw na ang nakararaan nang muli niyang inangkin ang labi ko at doon ko napagtanto na gusto ko si Greyson the devil kaya natatakot akong lumalim pa ang nararamd

