“Ano na naman ginagawa mo dito?” Masungit na sabi ni Hazel. Isang linggo na ang nakaraan simula nang malaman kung may anak kami. Naiinis siya sa walang tigil kung pagbuntot sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo niya sa akin hindi ako tumitigil nang pagsunod sa kanya. “B-Baby sinabi ko naman sa’yo hindi ako titigil sa pagsunod-sunod sa’yo” Seryoso kung turan. Inirapan niya ako. Iniwanan niya ako sa may pintoan. Ako na ang nagkusang pumasok sa loob nang bahay ni Hazel. “Good morning” Pagbati ko sa ginang na may katandaan na lumabas sa isang silid……Silid na inuukopa ni Hanz. “Magandang umaga din. Diba ikaw ‘yong naging kaibigan ni Hanz sa tabing dagat. Anong ginagawa mo dito sa bahay ni Hazel?” Nakita ko sa mata nang ginang ang pagtataka. Hinagod niya ako nang tingin mula ulo hanggang

