“Sana pumayag si TL Kai na maging boyfriend ko,”
Hindi naman mali yung pagkakarinig naming lahat diba? Talaga bang sinabi niya yun?
Maging boyfriend si Kai?
Lahat kami halos nakatulala sa sinabi ni Brandy. Sobrang ngiting-ngiti siya at talagang proud na yun yung wish niya. Anung sumanib na lakas ng loo bang merun siya?
Nakita ko yung ibang reactions ng mga tao sa paligid.
Kinikilig yung iba, kasi alam nilang lahat na crush si Kai ni Brandy.
Yung ibang mga lalake naman halos himatayin sa selos, dami nilang may tama sa kaniya eh.
Syempre yung ibang natitira na tulad ko, eh natatakot na para sa buhay ni Brandy.
Pero joke lang yun. Yung iba kasi iniisip kung anung magiging raksyon ni Kai.
Naisip ko naman, single si Kai, and he can easily get a girlfriend kung gugustuhin lang niya. Medyo baguhin lang siguro niya yung ugali niya ng konti pero all in all, perfect na eh!
Everyone are still waiting in anticipation sa isasagot ni Kai.
Sana naman huwag niyang sungitan si Brandy, since birthday naman niya.
“I’m sorry,” ang sabi ni Kai as he hands down the cake to Brandy.
“, but I already have someone I like. But thank you.” And then he smiled.
Another long pause at biglang nagtilian sa loob ng pantry.
Bakit? Saan?
“Nakita mong ngumiti si TL Kai??”
“Oo, ang pogi niya,”
“Waaaah, kaya nga, Sino kaya yung gusto niya?”
Napatakip ako ng bibig ko, bakit ganito yung nararamdaman ko? Ngumiti lang naman siya ah. Pero lahat ng tao dito agad nagreact sa simpleng ngiti niya.
Kahit si Brandy na na-basted right away, nagbu-blushed parin.
So he like someone? Sino kaya? Dito kaya sa company nagta-trabaho? But knowing how professional Kai is, hindi niya pagsasabayin ang work at flirting dito.
“Happy birthday again, Brandy. And everyone, please enjoy.” Agad niyang inalis sa kanya ang atensyon ng iba at napunta ulit sa celebrant.
Nagutom ako sa mga nangyari at wala kong ibang naiisip ngayon kundi yung shanghai na malapit nang maubos. Sabi ko na, dapat talaga nagtabi na ko ng para sa akin.
Papalapit na ko sa shanghai ko, nang makita kong papalapit si Kai sa akin.
Shanghai :’(
“Lois, I have to go now,” Hala ang bilis naman niya umalis. Kumain man lang sana siya.
“Ha? Eh kumain ka muna kaya?”
“Thank you, but I really need to go. Plus I have a strict diet.”
Diet daw, pero nag-cheesecake kahapon? Sus!
“O-okay sige, but if you like I can make you a coffee before ako umuwi?”
And that reward me a smile from him. I feel blessed lang ang datingan.
“Please, thank you.”
At agad siyang umalis. At ako, naiwang tulala nanaman at nalimutan na ang shanghai.
Isa-isa ng nawala ang mga tao, after kong maihatid kay Kai yung pinangako kong kape. Kahit ganitong oras pala marami parin siyang ginagawa.
At nagulat ako ng Makita kong wala ng tao halos sa pantry at ang dami-dami pang kalat.
Bakit hindi naman sila naglinis man lang?
Ni hindi ko na din nakita pa yung birthday celebrant na si Brandy.
Walang pa-thank you man lang?
“Lois, mukang nakaalis na sila,” sabi ni pantry staff naming na si Edna.
“Oo nga eh, grabe sana man lang naglinis sila bago umalis.” Di ko maiwasan na hindi madisappoint sa mga taong yun. Lalo na kay Brandy.
“Gusto mo tulungan na kita? May time pa naman ako “ alok niya sa akin.
“Okay lang Edna, hinihintay kana ng anak mo tiyak. Ako na bahala dito.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
“Sure kaba? Ikaw bahala, uwi na ko.” Sabi niya habang naglalakad papuntang pinto.
“Oo, don’t worry.” Masyadong siyang mabait pero alam kong gusto na talaga niya umuwi para sa anak niya.
“Bye!” ang sabi niya bago tuluyang nawala sa pinto.
7pm na, at patapos narin ako sa ligpitin dito. Sino ba naman hindi tatagal sa dami ng kalat na naiwan.
Tama si Emma, siguradong ako maiiwan magisa dito at walang tutulong sa akin. Kaya talagang sinadya niya na di pumunta sa party para matuto daw ako.
Huhu, Emma tama ka. Dapat nakahiga na ko sa higaan ko ngayon. Hay.
“Lois? Why are you still here?”
Napalingon ako ng makita ko si Kai na bitbit na yung bag at coat niya.
Buti pa siya pauwi na.
“Ah eh, nagliligpit pa ko eh.” Nahihiya ako nakita niya kong nagmomop pa dito sa pantry.
“Ikaw lang mag-isa?” halos may bahid nang inis yung tanung niya or baka imagination ko lang?
“B-baka nagmamadali sila. At tsaka kaya ko naman maglinis, konti lang naman ito.” Paniniguro kong sinabi sa kanya.
“Hayyy.” Napabuntong-hininga siya at ibinaba sa lamesa ang bag at coat niya saka siya lumakad palapit sa akin.
“Give me the mop.” ang sabi niya.
Ano daw?
“H-ha?” pagtatanung ko.
“The mop, give it to me so that I can help you.”
Ngek! Nakakahiya!
Inilayo ko sakanya yung mop na parang pinagdadamot ko. TL ko siya, tapos hahayaan ko siyang mag-mop?
Nakakahiya yun!
“N-no! Patapos na din naman ako.”
“Lois, I really hate repeating what I already said. So just cooperate.” Bahagya akong natakot, kasi alam ko naman kung paano siya mainis pag paulit-ulit niyang sinasabi.
“P-pero kasi-“
Inilahad niya yung kamay niya at alam kong wala na kong magagawa kundi ibigay yung mop.
“Very good. Let’s go home together after this.” At nagsimula na siyang mag-mop.
Jusko. Anong kahihiyan ba ito na hinayaan ko pa siyang maglinis ng mga kalat na wala naman siyang kinalaman. Ni hindi nga siya kumain ng kung ano kanina eh.
Total pagod naman na talaga ko, hinyaan ko na lng siya sa gusto niya. Wala narin naman yung mga ka-department naming kaya sure na wala naman makakakita sa kaniya.
Napaupo na lang ako sa gilid at pinapanuod siyang mag-mop.
Actually, why do I find him so handsome while mopping? Malala na talaga utak ko.
He rolled his sleeves up at kita ang maganda niyang kutis na mas makinis pa ata sa muka ko. Kita din yung details ng muscles sa mga kamay niya, nag-ggym siguro.
At yung nakakamatay, naka-open yung butones ng white long sleeves niya,
Hoy Lois, gumising kang gaga ka. Tandaan mo may magiging jowa na si Kai. Isa pa you’re out of his league. Masyado ka pang damaged para magka-love life or magka-crush man lang.
Tama, I’m still healing. It takes time.
Napatingin tuloy ako sa kamay ko na halatang may suot na sing-sing noon, kasi hindi pa even yung kulay. Siguro pag even na to, okay na ako.
Pero bakit pinaparamdam ng puso ko na gusto na niyang magmahal ulit? Na handa na ulit siya na tumibok at tumaggap ng taong walang kasiguraduhan kung mamahalin ba ko or iiwan ulit?
“It’s done, Lois. Let’s go home.” At dun lang ulit ako bumalik sa huwisyo ko after niya kong tawagin.
“S-sige. Salamat sa tulong Kai.”
Tahimik kaming naglakad palabras ng building.
Wala din naman akong makwento kasi as in blangko ako sa mga nangyari.
Hanggang sa maalala ko yung kanina sa party.
“So Kai, yung sinagot mo kay Brandy kanina,” paninimula ko.
“What about it?” tanung niya.
And I didn’t hesitate. “Sino yun? Dito ba siya sa office natin nag-wo-work or sa ibang company?”
Out of curiosity at talagang gusto ko lang manukso.
Pero bakit parang masakit sa dib-dib? To think na merun siyang gustong iba.
“Ah, yun ba? It’s a lie. I just have to say it, so she won’t keep her hopes up.”
Hmp, heartbreaker.
Pero salamat naman. So it means single talaga siya.
“Weh? Talaga ba?” panunukso na sabi ko. Pero bakit ang saya ko nga.
“Kahit crush wala ka? And daming magaganda sa office ah,”
“Not interested.” Tipid na sagot niya.
“But… I actually wanted to date someone.” Sabay huminto siya s paglakad.
Seryoso?
Napalingon ako sa kaniya, at seryoso siyang nakatingin sa akin.
Sino?