Athena Napansin niya na wala pa si Brix dahil hindi pa nito pinapalitan si Hernan, malapit na naman silang umalis ni Gigi para magtrabaho. Lumapit siya kay Hernan. "Bakit wala pa si Brix?" Tiningnan siya nito na nagtataka na naging pagdududa. "Namimiss mo na ba siya? Halos ilang oras pa lang naman ang nakakalipas nang umalis siya." Umiwas siya ng tingin kay Hernan. Ano ba ang sinasabi niya, hinahanap ko lang naman si Brix?" "Narito na pala ang hinahanap mo, mukhang nag strolling pa bago bumalik." Bumaba ng kotse si Brix, naglakad agad ito palapit sa kanila ni Hernan. "Namimiss ka na niya, Brix. Bakit kasi ang tagal mo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Hernan. Sumilip siya sa mukha ni Brix, pero nakatitig na pala ito sa kanya. "Wala akong sinabi na ganun." "Ay wala ba, akala ko

