Brix Hindi siya makagalaw, pero ang mata niya ay puno ng pagtataka, pagkabigla, at pagtatanong. Anak ni Athena ang batang inalagaan niya kanina? Bakit hindi sinabi ni Hernandez sa kanya? Lumingon siya kay Hernandez, pero alam niyang umiwas ito ng tingin base sa pag paling ng ulo nito sa ibang direksyon. Tumingin siya muli kay Athena habang buhat nito ang bata. Wala siyang mahagilap na salita na dapat niyang ilabas para magtanong. "Mabuti at nakarating kayo dito," saad ni Athena. "Wala namang masyadong trabaho, kaya nakapunta kami rito." Sagot ni Hernandez. "Tara na sa labas, malapit ng gumabi, hindi pa kami nakukuhanan ng picture ng pamilya." Napatingin siya sa likod ni Athena, hindi niya kilala ang kasama nito, hindi naman si Spencer. "Sumunod kayo sa labas a." Ngumiti si Athena sa

