Athena Kinabukasan... Nakatulala lang siya habang nakahiga pa sa kama, iniisip pa rin niya ang naganap kagabi, at yung pera na sobrang laki ng halaga. Ano bang pumasok sa kokote ng lalaki na 'yon para iwan ang ganung halaga para sa kanya. Hindi niya na nga tinanggap, iniwan pa rin nito iyon. Ngayon iisipin pa niya kung paano niya mabalik ang halaga na 'yon, hindi naman niya alam kung sino ang lalaki dahil pati mukha nito ay hindi naman niya nakita. "Athena, bumangon ka na diyan, mataas na ang araw nakahiga ka pa rin." Saad ni Gigi habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto. Bumangon siya at tinupi ang kumot niya, bago nagsuklay at lumabas ng kwarto. "Kumain ka muna, aalis tayo." Nagsalubong ang kilay niya. "Saan tayo pupunta?" "Sa mall, libot naman tayo kahit sandali lang , puro

