CHAPTER 23 (PART 3) ** NAIH POINT OF VIEW ** Bakit ba ako kinakabahan? Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang si Tres at Gab ay nag-uusap sa harapan tungkol sa laban nila sa basketball nong nakaraang lingo. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari sa ‘min ni Avo sa mga nagdaang araw. Parang ang bilis ng panahon at ngayon ay magde-date na kami bilang mag boyfriend at girlfriend. Dati iba ang ka date niya habang ako naman ay may ibang pinagkakaabalahan sa eskwelahan. Dalawang magkaiba ang mundo na pinagkaisa. Napangiti ako. “Are you nervous?” sinulyapan ako ni Gab pero ngumiti lang ako sa kanilang dalawa. “Don’t be, Naih. You look stunning.” Sabi ni Tres habang nakatitig sa daan. Siya kasi ang nagmamaneho sa harapan pero sinulyapan niya ako sa rear-view mirror ng

