CHAPTER 46 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Nakatitig lang si Avo sa kanyang computer habang hinihintay ang email sa kanya ni Spencer. Ilang araw na rin ang nagdaan mula nong pinasusundan ni Avo ang kanyang asawa. Hanggang ngayon ay nagdududa pa rin siya rito kahit pa sinabi nitong sasabihin ni Naih kung sakaling magkikita sila ni Jack. Binuksan niya ang email na pinasa sa kanya ng kanyang private imbestigator. “Damn it!” napasabunot siya sa kanyang ulo saka tumingala. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala dahil talagang nagkita si Jack at Naih kahapon. Muling bumalik sa kanyang alaala ang nangyari kagabi nang makauwi ito. * FLASHBACK* Ilang araw nang walang tulog si Avo dahil sa kakaisip kay Naih at sa lalaking si Jack. Hindi siya mapalagay at halos gabi

