CHAPTER 9 ( PART 2 ) ** NAIH POINT OF VIEW ** Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis para puntahan ang mga kaibigan ko. For sure lasing na naman ang tatlong ‘yun. Tiningnan ko ang orasan saka ako bumaba. Habang kumakain sinabi ko kay mommy na pupunta muna ako kela Tres at makikibalita. Ewan ko ba rito kay mommy na sa tuwing pinupuntahan ko ang mga kaibigan ko ngayon ay natutuwa siya. Naalala ko noon ay halos palayasin niya ako sa tuwing naglalakwatsa ako ah! “Seriously, mom? Bakit hinahayaan niyo akong maglakwatsa ngayon?” Tumingin sa ‘kin si Zeah saka siya ngumiti na para bang may naalala siya. Napataas ang kilay ko saka ko hinarap si Zeah, “Ano? Bakit parang may alam ka na hindi ko alam?” Natawa siya lalo sa tanong ko habang si mommy naman ay nakangiti. “Bumabal

