Chapter 49 * NAIH POINT OF VIEW * "Avo," tawag ko sa kanya. Napansin niya yata ang pagkagulat sa mukha ko lalo na ang pagtago ko sa cellphone ko sa likod ko. Sino ba naman kasing mag aakala na pupunta siya? Ilang lingo niya kaming tiniis na hindi makita ni Zeke tapos ngayon bigla na lang siyang susulpot? Kinakabahang tiningnan ko siya pero hindi ako nagpatinag. Baka nakakalimutan niya ang huling pag uusap na 'ming dalawa. Tinago ko ang cellphone sa likod ko at hinayaan ang anak ko na yumakap at magpakarga kay Avo. Kitang kita ko kung gaano ka tuwa at kasaya ang anak ko nang makita niya ang kanyang daddy. "I was waiting for you, daddy. Sabi ni mommy you are in the far far away. I miss you, daddy." Saka siya niyakap ni Zeke. How sweet. Parang hinaplos ang puso ko habang nakatitig sa kan

