CHAPTER 2

1555 Words
CHAPTER 2     ** ZARNIAH POINT OF VIEW **     Umiikot ang paningin ko at pakiramdam ko ay parang matatanggal na ang bungo ko sa sobrang sakit. May nakain yata akong hindi maganda at nanginginig ang katawan ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko sa oras na ‘to. Pamilyar ang pakiramdam na ‘to. ‘Yung pakiramdam na wala akong naririnig na ingay at bunganga mula sa bibig ng kapatid ko. Napangiti ako, siguro ay kasama niya naman ang anak ko.     Naimulat ko ang aking mga mat ana para bang may bigla akong naalala. Anong nangyari? Nakasuot ako nang itim na tshirt, at maong na pantalon. Napahawak ako sa ulo ko at agad ko ring sinuklay gamit ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. Ilang buwan na ba akong hindi nakakasuklay at bakit parang hahabulin na yata ako ng suklay dahil sa gulo ng aking buhok.     “Bakit ba –“ agad akong napahinto at nilapit ang kamay ko sa aking bibig. Nilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng kwarto kung nasaan ako ngayon at dali-daling inamoy ang bunganga ko. “Sheet!” Bakit amoy beer na naman ang bibig ko? Kailan ba akong muling uminum ng alak? Sa pagkakatanda ko ay parang nagka-phobia na ako sa alak dahil sa mga nangyari sa ‘kin noon. Lalong lumaki ang mata ko sa aking naisip.     “Ano bang nangyari noon bakit nasabi ko ang bagay na ‘yun?” napahilot ako sa sintido ko dahil sa biglang pagkahilo na naramdaman ko. Pilit kong inaalala kong ano ‘yung mga bagay na nakalimutan ko. Alam kong may nakalimutan ako, may gusto akong sabihin pero hindi ko masabi kung ano ‘yun. “Ano bang nangyayari sa ‘kin?”     Nang inangat ko ang paningin ko ay Nakita kong nakatayo ang aking kapatid na si Zeah habang nakasuot ng uniform at nakatitig sa ‘kin. Para bang hindi pa rin siya makapaniwalang nakahiga pa rin ako sa kama ko. Napailing na lang itong lumapit sa ‘kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.     “Lasing ka na naman ba, ate?” Kung ganon hindi ako nanaginip kanina ng makita ko si Zeah na bumata. Ilang taon ba ang binata niya? Teka, ako lasing? Kaya ba amoy alak pa rin ako? Darn! Ayaw na ayaw ko pa namang nalalasing lalo pa at marami pa akong dapat asikasuhin sa opisina.   Ang huling natatandaan ko ay nasa puntod ako ni mom pero dahil sa panaginip ko na nakita ko si mom ay talagang gusto kong maluha. Ilang beses ko nang napanaginipan si mom pero ngayon para bang totoong totoo ang lahat. ‘Yung tipong mapapaisip ka kung ano nga ba ang totoo sa dalawa. ‘Yung parte na wala na si mom at kasama ko na ang anak ko, o ‘yung parteng kasama ko si mom pero wala ang anak ko? Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip.     “Anong oras na ba? Baka ma late na ako sa opisina –“ tatayo sana ako ng hinila ako pabalik ni Zeah.   “May amats ka pa yata, ate. Hindi ka sa opisina papasok kundi sa iskwelahan.” Napahinto ako. Ilang beses ba dapat akong mag-aral sa tanang buhay ko? Napakunot ang noo ko kaya tumango-tango naman ang kapatid ko sa harapan ko na para bang nawawalan na siya ng pag-asa sa ‘kin. Ano bang kinain ni Zeah ngayon? Bakit parang mas lasing pa siya sa ‘kin?     Mas lalong kumunot ang noo ko sa inakto niya. Siguro sa mga oras na ‘to ay siya pa ang unang bubunganga sa ‘kin dahil wala pa rin ako sa opisina tapos ngayon ay gusto niyang mag-aral ako? Bobo ba ang tingin niya sa ‘kin at pinapaaral ulit ako. Alam ko pa naman ang sagot sa one plus one, anong problema niya sa ‘kin?     “Mas mabuti pang ayosin mo ang buhay mo, Ate habang maaga pa.” saka siya umalis sa harapan ko at iniwan akong nakanganga habang nakatitig sa pinto kung saan siya lumabas.  Magulo ba ang buhay ko? Teka nga! Ano bang sinasabi ni Zeah? Bakit parang napaka out of the world naman yata? Mas lalo niya lang yata pinapasakit ang ulo ko. Darn! Ilang beses ko bang dapat pagsabihan ang sarili ko na ‘wag nang iinum ng alak. Haist! Napailing na lamang ako sa inakto ng kapatid ko.     Muling bumalik sa ‘kin ang alaala ko kanina ng magising ako. Akala ko ay nanaginip lang ako ng makitang bumata si Zeah, at bumata rin ako. Lalo na ng makita ko si mommy sa harapan ko. Napayuko ako. Ito ang matagal ko ng hinihiling, ang bumalik sa nakaraan para makasama ang aking ina. Tumulo ang luha sa ‘king mga mata habang may ngiti ang aking mga labi. Hindi ko maintindihan bakit nasasaktan ako habang masaya naman ang puso ko dahil makakasama ko na ang aking ina.     “Kumain ka na, Naih!” napalingon ako sa hapagkainan kung saan kumakain si mommy at si Zeah. Nakatingin sila sa ‘kin na para bang nawe-weirdohan ng makita nila ako. Pagkatapos ko kasing makapag-isip kanina ay dumeretso na ako sa CR at naligo saka nagbihis. Hindi ko alam kung anong susuotin ko dahil hindi ko alam kung anong baitang na ako ngayon. Sinuot ko ang nakita kong kaisa-isang dress na nandoon sa cabinet ko.   “Anong nakain mo, ate?” tanong ni Zeah habang umupo ako sa tabi niya at walang sawa sa pag ngiti sa harap ni mom. Nilingon ko naman ang kapatid ko sa ‘kin tabi. Susubo na yata ito ng pagkain gamit ang kutsara pero napahinto ito nang makita ako.   “Hindi pa ako kumakain. Ngayon pa lang –“   “Bakit ‘yan ang suot mo? May binyag ka na naman bang pupuntahan?” Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong ng kapatid ko. Talaga bang sa binyagan lang pwedeng suotin ang damit na ‘to? Ni hindi ko nga naalala na may dress pala ako na tulad nito. “Naka shabu ka ba?”     “Bakit? Pag binyag lang ba ako pwedeng mag dress?” I asked sarcastically at hinarap si mommy, “Di ba maganda naman mom?” nakangiting tanong ko kay mommy at mas lalong nabulunan ang kapatid ko. I rolled my eyes to her.     “So pabebe, so weird.” Narinig ko pang bulong niya pero hindi ko na siya sinagot at nakangiting kumain sa harap ni mommy habang nakangiti.  Ang saya ko dahil makakasama ko na ulit si mommy. Ito ang gusto kong balikan sa nakaraan at natupad na nga. Para bang ayoko nang magising.     “It’s okay to wear dress, Naih pero sana ‘wag kang mag dress sa iskwelahan niyo lalo pa at P.E niyo ngayon.” Agad akong napasimangot. Mag-aaral na naman ako? Ito pa naman ang parte ng buhay ko na napakaayaw ko.   Ngayon napapaisip tuloy ako kung paano ako naka-graduate noon at nakahanap ng maayos ng trabaho gayong hindi naman talaga ako mahilig mag-aral noon? Ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagiging tamad ko pero kumpara noon ay mas ginaganahan na ako ngayong pumasok sa iskwelahan. Siguro ako ang magiging top one sa klase! Yes! Gusto ko ng pumasok para makapakitang hilas kela mom. Napangiti ako sa ‘king naisip.     *     “Anong ibig mong sabihing wala kang assignment, Zarniah?” napayuko ako sa tanong ng aking guro. Paano ako magkakaroon ng assignment ni hindi ko nga alam na meron pala? Kung alam ko lang ay sana ginawa ko na. Minus points pa to sa pagiging top one ko! Napaupo na lang ako habang pinapagalitan ni Ma’am Elwina, ang T.L.E teacher namin. Ngayon ko pa nalaman na Grade 9 na pala ako. Mabuti na lang at sinalubong ako ng mga kaklase ko kanina at sinamahan papunta sa classroom dahil kung hindi baka sa grade 10 or 12 ako pumasok. Ang sarap pa namang grumaduate agad.     Masyadong mahaba ang byenahe ko mula sa kasalukuyan kaya pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayon. Tinatamaan na naman ako ng katamaran at kaantokan pero pilit ko pa ring nilalabanan ang ispirito ng antok habang nakatitig sa matang isda naming guro na walang ibang ginawa kundi pagalitan ako sa klase niya. Ako yata ang paborito niyang pagalitan sa section namin ah!   “Sino nga ulit ang pinaka matalinong classmate na ‘tin, Jenny?” tanong ko sa katabi ko. Tiningnan niya ako na para bang ibang lingwahe ang lumabas sa bibig ko. Bakit sa tuwing may sasabihin ako ay nagugulat ang mga tao sa paligid ko? Anong problema nila?   “Ako? Dzuh! Anong pakialam mo sa top one sa klase na ‘tin? Ni hindi ko nga alam kung sino ang president sa classroom na ‘to.” Napanganga ako. May amnesia ba ang babaeng ‘to? Psh! Walang kwentang kausap.   “Pero kilala mo naman siguro ang adviser na ‘tin ‘di ba?” tanong ko sa kanya saka siya napaisip.   “Di ba siya si Ma’am A?” napailing na lamang ako. Paano ako magiging top one sa klaseng ‘to kung napapaligiran ako ng mga taong walang alam sa paligid na ‘min? Psh! Anong pinagkaiba ko sa kanila? Waaah! Wala na talaga akong pag-asa!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD