Chapter 31 (PART 1) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Anong ginagawa mo rito?" Walang ganang tanong niya sa 'kin kaya mas lalo akong naasar sa mukha niya. Ang kapal ng mukha niyang itanong sa 'kin ang bagay na 'yun! Anong ginagawa ko rito? "Sa tingin mo anong kailangan ko sayo?!" Inis na tanong ko. "Alam mo kung bakit ako nandito. Kaya pala nong nakaraan ay kulang na lang ay ipagtulakan mo ko palayo sa 'yo. Bakit, Jack? Takot ka ba sa responsibilidad? Ang weak mo!" Naiinis na sigaw ko sa mukha niya. Nandito ako ngayon sa J&J Coconut Plantation at hindi ko alam na isa pala ito sa pag aari ng pamilya niya. Eksakto namang naghahanap ako nang trabaho at napadpad ako sa lugar na 'to. Kung minamalas ka nga naman. Kung alam kong nandito siya ay talagang hindi na ako pumunta rito. K

