Chapter 54 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Halos liparin na ni Avo ang lugar kung nasaan si Jack at si Zeke. Halos hindi na rin nila makausap si Avo dahil seryoso itong nakatingin sa labas ng bintana. Nang marating nila ang lugar kung saan nahanap si Jack ay napapalibutan na ito ng pulis. Pag hinto nang sasakyan ng binata ay agad itong bumaba at hinanap ang lalaking gumulo sa buhay nilang mag asawa. "F*ck the hell out of you!" Agad niyang sinuntok si Jack nang pinosasan ito ng mga pulis. Kwenelyohan niya ito at muling sinuntok bago ito inawat ng mga pulis. "Calm down, Mr. Hontiveros-" "Calm down?" Hindi mapalagay na tanong ng binata. "Kung hindi mo lang kinuha ang anak ko -" "Anak mo? Sigurado kang anak mo ang kinuha ko, Avo?" "Aba't gago ka ah!" Hindi nakapag timpi si Avo at agad

