CHAPTER 13 (PART 2) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Mali ba ako?" Tanong ko sa kanila nang makapasok na kaming lahat sa kotse. Papunta na kame sa bahay nila Avo tapos ang tatlong lalaking kasama ko ay walang ibang ginawa kundi tumawa nang tumawa. Ano bang nakakatawa? "Seriously? Bakit mo naman naisip na bading si Avo?" Tanong ni Gab sa harapan. Bale si Tres kasi ang nagmamanahe at katabi niya si Gab habang ako naman ay katabi ko si Avo na nakangiti lang. Problema nito? "Akala ko kasi . ." Sinulyapan ko si Avo sa tabi ko saka niya rin ako tiningnan, "Hindi mo ba gusto si Jack?" Agad niya naman akong binatukan. "Hindi nga ako bading!" Natatawang sagot niya. Tiningnan ko siya nang masama. "Oo nga. Kailan ka pa nakakita ng playboy na bading?" "Marami kayang

