Chapter 34 (Part 1) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Zeke, come here baby." Tawag ko sa anak ko. He is already two years old at nakikita kong lumalaki ang anak ko na para bang naiintindihan niya ang nasa paligid niya. Masiyahin si Zeke kahit na nakikita niyang may kulang. Ang akala ko noon ay magiging mahirap ang pagpapalaki ko sa anak ko. Mabuti na lang talaga at nandyan si Zeah. Lagi siyang nakabantay kay Zeke. Inaalagaan niya rin ang anak ko na para bang anak niya rin. Pag nandyan naman si Daddy ay tinatawag din ni Zeke na daddy ang daddy ko which is hinahayaan naman na 'min. Kahit papaano ay nakikita naman na 'min ni Zeah na nagsisikap rin si daddy na tanggapin ulit na 'min siya. Ngayong wala na si Mommy ay pinapakita ni dad na palagi siyang nandyan kahit wala na si mommy. Ha

