CHAPTER 58 * NAIH POINT OF VIEW * Hindi ko alam kung paano ako magsisimula o papaano ko sasabihin sa kanila ang mga nangyari. Bigla na lang ako nawala ng isang taon tapos ngayon magkikita kami na may Zoey na silang nakita. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila o kung anong tingin nila sa akin. Kaya nga sana hindi ko to sasabihin sa kanila pero ang magaling kong kapatid ay talagang nilaglag pa ako. Hinanap ng mga mata ko si Zeah na ngayon ay busy sa pakikipaglaro kay Zoey habang si Zeke naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Mahiyain si Zeke pero sa oras na naka adjust na siya ay paniguradong makikipag kulitan na rin siya. Lumapit sa 'kin si daddy at nakita kong seryoso ang mukha niya. Hindi kami masyadong close ni daddy dahil sa mga nangyari nong buhay

